Mga Pahina

Miyerkules, Agosto 31, 2011

SA PAGDADALAGA NI CLARA AKO AY MAY NAKILALA ni Lee,Jonathan

Agosto 26,2011 - Kaarawan ni Clara -

Biyernes alas otso ng umaga ng ako’y nagising, naghanda kagad ako dahil pupunta pa sa trabaho sa motor shop ng tito ko.. ayoko ko kasi yung nakatunganga lang ako sa bahay walang gagawin buong araw kung hindi magkompyuter,matulog at kumain... naiisip ko kasi sa ganoong paraan para akong nagiging batugan at ayoko mangyari yun. Mas okay rin naman my pinagkakaabalahan na ako sa araw na iyon magkakapera pa ko . Umalis ako sa trabaho ng alas kwatro ng hapon dahil maghahanda pa ko at bibili ng regalo para sa aking kaibigan na si clara dahil kaarawan niya noong araw na yun. Tinawagan ko ang aking mga kaibigan na sila John,Gel,Ryan,at Arwin para sabihan na maghanda na dahil ang call time namin ay alas singko ng hapon sa WalterMart RedRibbon...


Saktong alas singko ng hapon ng ako’y dumating sa Waltermart... bigla ako nagtaka bakit wala pa sila? Eh maayos naman ang aking pagkasabi na alas singko kami magkita kita... mabuti na lang at nakasalubong ko ang dalawa ko pang kaibigan na si eiei at gabby dinamayan nila ako sa pagaantay sa aming iba pang katropa. Nauna dumating si Arwin sumunod si Ryan at ang pinakamatagal at huling dumating  ay sina John at Gel.  Mabuti na lang at nakasalubong pa naming ang birthday girl na si clara sa WalterMart kaya’t hindi pa kami late... dali dali kami bumili ng cake para sa regalo namin kay clara..

Alasais kwarenta’y singko ng kami ay makarating sa bahay ni clara.. dala ang aming regalo hindi na kami nagatubili pumasok at hinanap kagad si clara upang Makita at Bumati ng Happy Birthday... ngunit hnd pa pala sya tapos magpaganda kaya sinabihan kami ni tito na umupo na  lang muna... alas siyete na ng gabi ng magsimula ang party siyempre tulad ng karaniwang debut nauuna sa pagsasalita ang mga tatay at sumunod naman ang MC para batiin ang mga bisita na lumahok at nakisaya sa Debutante..
Nung mga oras na yun bigla na lang my lumapit na isang magandang dalagita sa MC na si cloud upang itanong ang mga mangyayari. Pinsan pala siya ng ating debutante na si Clara at siya pala ang Photographer sa mga oras na yun.  Balak ko sana magpakilala ngunit lumabas na pala ang debutante na si Clara upang simulan na ang kasiyahan makalipas ang ilang pagpapapicture sa debutante ay dumating na ang oras sa pagkain.. siyempre panigurado mahaba nanaman ang pila kaya dapat na mauna. Haha!

Ang gabing iyon ay punong puno ng kasiyahan wala kang makikita ni sino man sa mga bisita ang hindi masaya. mayroong sumasayaw, kumakanta, umiinom, at syempre hnd mawawala ang mga kumakain... tinanong ko kay Clara kung sino yung babae na yun at pakilala naman niya ako. Okay naman Sana ngunit may isang problema ako ay mag lalabingwalo pa lang at siya naman ay magdadalampu’t anim masyado malayo ang agwat ng aming edad. alasais ng umaga siya ay bumyahe patungo sa Dubai.  Sayang hindi kami nagkaroon ng panahon para makapagusap pero hindi pa naman huli ang lahat magkikita parin kami. Hindi man sa ngayon pero panigurado darating rin yon. :)

Sana balang araw sila rin ni Clara Maire Gallardo

Sa tuwing ako ay lumalabas ng bahay at namamasyal ang dami kong nakikita na mga bata na nagkalat sa kalsada upang mamalimos at mag hanapbuhay para lang tumulong sa kanyang pamilya upang sila ay may makain sa araw na iyon. Sa tuwing tinitignan ko ang kanilang mga mata ako ay naaawa dahil sa sinasapit nila. Naiisip ko kung paano kaya kung ako ang nasa kalagayan nila maaatim ko ba ang ganitong buhay? Sa murang edad ay nalalasap na nila kung gaano kahirap ang buhay, hindi nila natatamasa ang saya ng pagiging isang musmos. Umaga palang, sila ay nasa kalsada na upang magtinda ng  sampaguita, ang iba ay basahan at ang iba naman ay namamalimos ng pera upang lamnan ang kumukulong sikmura.

Sa  bawat bata na nakikita ko na naglalakad sa kalsada nadudurog ang aking puso, dahil hindi ko mawari na mayroong mga ganung bata at hindi ko lubos maisip na bakit sila pa ang dapat na gumawa ng ganoon. Minsan nang may lumapit na bata sa akin at ako ay may dala-dala na cheeseburger ibinigay ko sa kanya ito, agad agad niyang kinuha, walang pagaalinlangan. Siya ay nagpasalamat sa akin, ako ay lubos na natuwa sa kanyang sinabing “ Ate salamat sana pagpalain ka ng Panginoon”, sabi ko nga sa kanya ay sumama na lamang siya sa akin at kami na ang magaaruga sa kanya ngunit ang sabi niya lamang sa akin “ Ayoko po mahirap iwanan ang aking nanay dalawa na lang kasi kami eh “ ,umalis na ang bata, pagtalikod ko ako ay napaluha. Napakabait ng batang iyon gagawin niya ang lahat para lang sa kanyang ina. Samantalang ang iba ay hindi pa alam ang ganitong sitwasyon.

Masuwerte ako at ganito ang aking naging buhay, taliwas sa mga bata na nakikita ko sa kalsada. Naaalala ko noong ako ay bata pa lamang malapit na sa puso ko ang mga bata na katulad nila. Dahil sa kami ng aking kapatid ay walang kalaro kundi ang isa’t-isa ang lagi kong hiling sa aking ina ay papasukin sa bahay ang mga bata na naglalaro sa labas upang makipaglaro sa amin, sila ay pinaliliguan ng aking ina at hinahayaang makilangoy sa amin, sa aming kiddie pool at hinahayaang laruin ang mga laruan namin na para bang sa kanila na rin. Masayang Masaya ako sa tuwing nakikita kong Masaya ang ibang tao, kaya naman hanggang sa pagtanda ko ganun pa rin ang halaga nila sa buhay ko.

Balang araw kapag ako ay nakapagtapos na ng pag-aaral at mayroon ng sariling trabaho, tutulungan ko sila. Ang mga bata sa kalsada ay bibihisan ko ng maganda at ipapalasap ko sa kanila kung gaano kasaya ang maging bata. Habang ako ay nag-aaral pa sila ang gagawin kong inspirasyon upang makamtan ang aking mga pangarap. At sana balang araw makamtan din nila ang sarili nilang mga pangarap.

FACEBOOK ni LARANJO, RANJIE

Ang facebook ay isang website na nabuo ng isang tao na nagngangalang Mark Suckerberg, na sa ngayon ay ginagamit nga mga taong mayroong mga internet. Pero para saan ba ang facebook?
Ang facebook ay isang social networking site na kung saan maaari kang gumawa ng sarili mong account na maaari mong ilagay ang iyong pagkakakilanlan, pwede mo ring ilagay ang iyong litrato para mas lalo kang makilala ng mga makakakita dito, maaari mo ring makita ang mga dating kaibigan o kaya naman ay makausap ang mga mahal mo sa buhay na nasa malayong lugar.
Maaari ka ring mag post ng mga kakaibang bagay na kung saan maaaring bigyan ng komento, oh kaya naman pwede ka ring mag koment sa post ng iba, meron naman yung iba basta makapag koment lang kahit walang kwenta ilalagay parin at yung iba like lang ng like. Kailangan nating piliin at suriin kung an gating ilalike ay yung talagang karapat dapat ilike.
Maraming kayang gawin ang facebook, malaking tulong ito sa pang araw – araw na pamumuhay pero kahit ganon sana isa alang alang natin ang kasiguraduhan ng ating sarili at n gating kalusugan at limitahan natin ang pag gamit, gamitin ito ng tama para sa ikabubuti ng lahat.

USO USO DIN ni LARANJO, RANJIE

Haaaay… panahon nga naman, patuloy ang paglipas, na tipong isang kurap lang eh marami nang naganap, kaya naman mahirap mapagiwanan, pero ganun pa man mahirap sumabay kung hindi mo kaya o kaya ayaw mo lang talaga dahil sa gusto mo na ang buhay mo sa ngayon.
Alam nyo ba ang salitang uso? Ang salitang uso ay nabuo dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon, pangyayari, mga bagay bagay, tao, at iba pa. Pero kahit ganon andyan naman ang mga taong kung tawagin ay sunod sa uso, yung tipong kung anong bago ay syang gusto, kahit na hirap eh ipipilit makasunod lang. Ako man ay sumusunod sa uso pero hindi ko pinipilit makisabay kung hindi kaya.
Isa na sa mga naging uso ngayon ay ang “Angry Birds” kung kayat kahit saan ka tumignin eh puro mga nagagalit na ibon ang iyong makikita, “nakakasawa na diba”, meron pa eto ang tinatawag na “Planking” eto yung paglapat ng iyong katawan sa isang plataporma ng tuwid haha kahit saan pwede kang mag planking depende yun sa trip mo. Ilan lang yan sa mga pinaka patok ngayon.
Sana lang kahit lumipas pa ang panahon, marami mang magbago lagi sana nating tatandaan na kung ano ang meron ngayon ay dahil yon sa kung ano ang meron dati, kaya naman wag sana nating kalimutan ang kahalagahan ng nakaraan, hindi lang puro bago.

ESTUDYANTE NGAYON ni LARANJO, RANJIE

Ang mga nakasulat dito ay mula sa aking mga karanasan at gayun din ng aking mga kapwa estudyante. Ang mga nakasulat dito ay hindi para makapanakit ng estudyante kundi ay aglalahad lamang ng mga nagawa at naranasan kobilang estudyante.
I
Tol …… lam na.
Ako bilang estudyante hindi ko na maikakaila ang pangongopya. Marami ang ibat – ibang uri ng pangonogpya , andyan na ang kunwari pay nakayuko yun pala eh ang mata ay naglalakbay na, meron namang nakataas ang papel animoy nagbabasa yun pala eh nagpapakopya na, meron pa nga kapag nakatalikod na ang guro hala garapalan na sa pagkopya. Hahahahah. Ilan lang yan sa mga style ng pangongopya na naranasan ko at inaamin kong nagawa ko narin.
II
 Wala si maam ……. Wooohooo
Sa buhay ng estudyante lahat ng pwedeng mong maranasan, mararanasan mo. Katulad nalang ng kapg wala ang prof, akala mo nakawala ang saya – saya, syempre kasama na ko dun, wala ng klase me baon pa diba. May mga magdodota mamimilit maghatak ng kasama me talk shit pa, ang iba naman gala to the max, kung medyo mabait sa library, pero ako bahay na para maiwasang gumastos. Ilan lang yan sa ginagawang mga estudyante kapag walang prof.
III
Bahala na ….. bukas.
Isa pa sa kadalasang nararanasan ko at ng iba pang estudyante ay ang pag gawa ng mga assignment. Ako naranasan ko na kapag may assignment, pag dating ko sa bahay hindi ko na naaalala, ang sarap sarap na ng pagkokompyuter ko at natapos na ang araw hindi ko parin nagagawa. Kinabukasan pag pasok ko saka ko lang maaalala na me assignment pala at ayun magagahol sa pagkopya sa klasmeyts o kaya naman pagsinisipag ikaw na mismo ang gagawa. Hanggang ngayon nangyayari parin sakin yan pero hindi ko nay an maiiwasan.


IV
Mga tol bukas ha.
Minsan naman kapg may praktis. “Mga tol bukas ha alas otso sa ministop” ang mga katagang yan ang lumalabas sa bibig ng isang lider kapag may praktis. Ang masama nito kapag dumating na ang oras na napagusapan hala naku po, ang iba dumating makalipas ang isang oras, ang iba naman nagsabi pa na “oo sige pupunta ako” tapus pag praktis na hayun sabay ”sorry sorry”  dahil hindi daw makakapunta.
Haaaaay mga estudyante nga naman pero hindi na natin maiaalis yan parte nay an ng pagiging estudyante natin eh. Haha at inuulit ko ito ay ginawa ko hindi para makasakit ng kapwa ko estudyante kundi obligasyon lang. Ahahah peace tayo guys.

Martes, Agosto 30, 2011

Gunita ng pagkakamali ni Frances Baroña

Naglalakad sa parke si Santos para mapayapa ang isip at habang naglalakad, bumabalik sa kanya ang alaalang gusto nang kalimutan.

Uwian na sa Malabon high school. Lahat ng taong makakita sakin ay lumayayo dahil alam nila na ako'y kilalang siga ng paaralan.
Paglabas ng gate may biglang tatlong lalaking taga ibang paaralan ang humarang at naghamon ng suntukan. Di na ako nakatanggi dahil nayayabangan ako sa kanila at talaga namang kailangan turuan ng lekson.
"Ha!, puro lang pala kayo yabang. Tatlo na kayo sa lagay na yan ah!" sabi ni santos sa tatlong lalaki.
Pag-uwi ni santos sa bahay laking gulat niya dahil ang kanyang ama ay nakahandusay sa sahig at namimilipit sa sakit.
Agad niyang nilapitan ang ama at sinabing "Wag kayong mag-alala, may malapit na ospital dito para mahingan ng tulong".
Lumabas siya agad para humingi ng tulong ngunit bigla nalang may humarang sa kanya na halos 20 lalaking kasamahan ng tatlong lalaking binugbog niya.
"Kanina tatlo lang kami ngayon anung masasabi mo?"
"Paraanin ninyo ko kailangan madala sa ospital ang tatay ko!!"
"Inatake siya sa puso, paraanin ninyo ako!!"
"aaaaa!!!!..."

Naluha si Santos nang maalala niya ito.
"Itay! Kakain na tayo!"
Pinunasan niya ang luha at pasigaw na sinabing,"Nariyan na anak!!"

Sa isip ni Santos di na dapat maulit ang pagkakamaling ito. At ang kanya na lamang nasisi ay ang kanyang sarili.

Propesor by.JESSICACLAIRECARACAS

Meron kaming mga propesor na mababait at meron din namang malulupit


Bakit may mga propesor na malulupit???

  • Malupit tulad ng walang pakielam sa estudyante.
  • Parang baliw kahit walang konek sa subject ay pinapagawa pa rin.
  • Itatanong sa estudyante kung bagay ba sa kanya ang suot niya.
  • Magbibigay ng quiz na pinagpipilitan niyang sabihin na ITINURO NIYA NA PERO HINDI PA!!
  • Sobrang baba magbigay ng iskor.
  • Laging namamahiya ng estudyante.
  • Siya lang lagi ang TAMA.
  • Higit sa lahat MINOR FEELING MAJOR .... psst bawal yan!! :)


May malupit namang may magandang dahilan kung bakit sila nagiging malupit sa estudyante

  • dahil gusto nila matuto ang mga estudyante.
  • dahil gustong turuan ng magandang asal ang estudyante.
  • dahil para din naman sa estudyante ang pagsusungit nila .
  • dahil minsan may kasalanan din ang estudyante kung bakit siya pinaglulupitan.





May mag propesor namang mababait.

  • mabait nga hindi naman marinig ang boses sa sobrang hina
  • mabait na magaling pa magturo at ipapaliwanag talaga ng mabuti ang itinuturo.
  • mabait na nakakatawa pa at magaling pa magturo, san ka pa??siyempre sisipagin ka magaral.
  • mabait, maganda, sexy, cool at magaling magturo siya ang paborito ko ahhaha ..





at may mga nakakaaliw pakinggan kahit paulit-ulit nang sinabi:

  • korek , korek??
  • oki? oki??
  • di ba masaya??
  • tama ba??
  • are you with me?
  • ayos ba yos ba???
  • at MAAARI NA KAYONG LUMAYA ... hahaha ..

Mahal na mahal namin lahat ng matitinong propesor namin na mahal din kami 
salamat po :)


Isa ka bang katulad nila? ni MariaClaribethS.Zapanta

Isa sa masayang parte ng buhay ng tao ay ang pagpasok sa paaralan. Dito nagsisimulang makakilala ng mga bagong kaibigan, makaranas ng bagong bagay at matutong makitungo sa ibang tao. Pero hindi nating maiiwasang mapuna ang bawat pagkakaiba iba ng mga estudyante sa paaralan. Ano nga ba ang iba’t ibang uri ng mga estudyante na iyong nakakahalubilo sa paaralan?
                Simulan natin sa mga estudyanteng kung tawagin ay mga NERDS. Sila yung mga tipo ng mga estudyante na nagiging popular tuwing may pagsusulit. Nagiging best friend ng buong klase. Dumarami ang katabi at mga taga hanga na nagaabot ng sulat. Ngunit iisa lang naman ang palaging nilalaman ng sulat na natatanggap niya. Ito ay ang “pahingi naman ng sagot. SalamatJ
                Sumunod naman ang professor’s number one best friend. Ang mga ARMALITE. Sila yung tipo ng estudyante na simula pagpasok hanggang sa mag uwian ay dumadaldal. Halos minuminuto ay pinagsasabihan ng propesor na tumahimik ngunit hindi niya talaga makuhang manahimik. Dinaig niya pa ang propesor sa pagdidiscuss. Para bang hindi man lang makuhang mangawit ng kanyang panga sa kadadaldal.
                Ang mga pa-CHARMING naman ay yung mga estudyanteng ginagamitan ang mga kamag-aral ng charm kapag sila ay nakikiusap o hihingi ng pabor. Madalas sila yung mahilig makiusap sa kamag-aral na nagpapagawa ng asignatura. Konting bola at ngiti lang sa kamag-aral ay napapayag na niya ito.
                Meron ding mga STRAW kung tawagin. Sila yung mga estudyanteng kung makasipsip sa propesor ay wagas! Para ba siyang nanliligaw. Dadaanin niya sa mga pabola bola ang propesor hanggang sa makapalagayan na niya ito ng loob. Kaya huwag nang magugulat j=kung papasa na lang siya ng walang kahirap hirap.
                Hindi naman pahuhuli ng tulog ang mga SLEEPY HEADS. Sila yung mga estudyante na sa sobrang pagpupuyat sa paglalaro sa eskwelahan na makakatulog. Mahilig silang pumuwesto sa sulok kung saan hindi sila kaagad mapupuna ng propesor. Minsan naman mas pinipili nila na pumuwesto na halos katabi na ng propesor sa ganoo’y hindi siya mapansin na tulog na siya. Pero malas niya kung siya ay mananaginip at napasigaw. Tiyak huli siya ng propesor at Guidance ang bagsak niya o di naman kaya ay babagsak siya.
                Ang mga MUSIC LOVER. Siya yung tipo ng estudyante na simula sa pagpasok ay may nakasulpak nang earphone sa tenga. Minsan pa nga ay kahit nagkakaklase ay nakasulpak pa din ang earphone. Kaya madalas silang nahahampas ng kanilang katabi.
                Meron namang mga TORO. Sila yung tipo ng estudyante na nakikipagasaran sa kapwa kamag-aral nila pero kapag sila naman ang aasarin napipikon kaagad. Madalas siyang gumawa ng gulo. Kaya madalas din silang nagkakape sa opisina ng Guidance Counselor.
Iba’t iba talaga ang personalidad ng isang tao. Minsan hindi lahat ay gusto ang ugaling pinapakita mo. Pero ito ang nagbibigay kulay sa ating buhay estudyante.  At mas mainam ng magpakatotoo kaya sa naman ipakita mo ang isang ugaling hindi mo naman kayang panindigan. Mas mamahalin ka ng ibang tao kung marunong kang magpakatotoo. Ikaw ano uri ka ng estudyante?

Lunes, Agosto 29, 2011

DEAR PAPA DUDUT by.JESSICACLAIRECARACAS

Itago mu nlng ako sa pangalng jessica...
isa akong babaeng naghahanap ng mamahalin at magmamahal 
noong ako'y nasa ikalawang taon sa highskul pa lamang ...
tingen ko ay d ako kagandahan ..pero bago ko po ipagpatuloy itong storya ko sa aking
karanasan sa pagibig hayaan ninyo ako ikwento ang aking storya noong bata ako.
Naalala ko po noong ako'y musmos pa lamang 
ay di ako nakaranas ng gutom at paghihirap dahil noon ay 
paborito ako ng mga tita ko..
lumaki ako sunod sa gusto kahit hindi naman kami mayaman
kami ay may kaya lang sa buhay
lahat kasi ng kapatid ng mama ko ay kasundo nmin..
Inalagaan ako ng titako na para niya na akong anak
at dumating ang oras na tinanung niya ako
na gusto ko ba daw magpaampon??sabay tawa 
aq naman napaluha pero mahal ko naman siya dahil nagging
kakampi ko sya sa lahat ng bagay..
Nang ngaral na ako lagi na ako napapahiwalay sa kaniya
naalala ko simula kinder hanggang grade skul ay 
lagi na akong sinasali ng aking mga guro sa ms. U.N
nggng paborito at hindi naman po sa pagmamalaki
matalino naman ako hindi ako nawala noon sa top
at nagging gabay ko ang tita at mama ko
pero noonng grade 6 na ako
my nanligaw na sa akin. Itago nyo nalang sa pangalng patrick..
doon na ako nagsimula magkaron
ng pgtingen.. araw-araw aq hinihintay umuwi dahil 
sa aming paaralan dn siya ngaaral
doon lang ako namulat sa buhay ng pagibig
pero papa dudut hindi ko naman siya minahal
crush lang iyon.. pero hindi ko siya sinagot
nung panahon na yun ay my cellphone n ako
sabi pa nga niya kung pwede daw kaming mag-on?
at ang sgot ko naman "eh ayaw ko"
bata pa kasi ako noon at wala pang alam sa relasyon
at isa pa barkada ko na siya at kapitbahay simula pa noong bata ako ..
Makalipas ang ilang linggo ay nakita ko nanliligw na siya sa ibang babae
at simula noong madalang na kmi magusap at hindi na niya ko sinasabayan paguwi..
at nagkalimutan na kmi at isa pa hindi pa naman ako pwede magkaron ng boyfriend
magagalit ang tita at mama ko..
noong naghighskul na ako nagging masipag ako sa pagaaral
sa katunayan ay naggng top7 pa nga ako noong 1st year
my mga nanliligaw na rin sa akin ngunit hindi ko sinasagot kahit
gusto ko naman sila .. dalawa silang magkaibigan.matalik na mgkaibigan pa nga
nanligaw sila at hindi nila alam na parehas pala sila ng nililigawan.
Grade 6 sila at ako naman ay 1st year araw-araw
ko silang nakikita dahil yung isa na tatago ko nalang sa pangalan na raven lgi siya 
nagaabang sa room namin sa tapat ng corridor..
at yung isa naman medyo mayabang at patago nalang sa pangalng TJ
si TJ yung nagging kaclose ko dahil kinuha niya number ko at inadd niya ako sa riendster
at sobra akong kinilig noong
nakalagay pa ako sa "who I want to meet" niya nakalagay JESSICA ..
parehas ko silang nagging crush noon pero hindi nila alam, napakagwapo kasi nung isa mputi at isa moreno
pero ilang linggo nakalipas lagi ko si TJ nakakachat nalaman ko nalang na my girlfriend na pala siya
at doon ako inaway ng girlfriend niya dahil nagselos at iniwasan ko na rin sila..
at nung ikalawang taon ko na sa high skul ay nakakilala naman ako ng
cute na boy maputi itago niyo nalang sa pangalang bren taga dito siya papa dudut
nasa iisang baranggay lang kami at sk kagawad siya..
crush ko lang siya, tuwing nakikita ko sya ay sumasaya ako
at isang gabi nagbibike kami ng pinsan ko na si kim na para ko ng best friend 
lumapit samin si bren at nagpakilala sakin...
at kinilig naman ako ng nalaman kong may gusto pala siya sakin hinawakan niya pa ang mga kamay ko at
niligawan niya ko at sinagot ko din naman kahit na alam kong bawal pa nga..
siya yung pinaka una kong boyfriend
nov.12 po nung sinagot ko siya sa kaniya ako naimpluwensyahan na magging rockers
lagi kami nagkakatext pero hindi ko ramdm na mahal niya ako ..at pagnag good morning sya 
hindi ko alam kung para sakin lang ba yun o para sa lahat... nung nov19 binigyan niya ako ng ticket 
pinipapunta niya ako at magsama daw ako ng friend ko sa myx mo concert n gaganapin sa nov20,2007.
at noong nov 20 na hindi ako pinayagan ng mama ko na pumunta sa ganung concert
dahil gabi na iyon matatapos. iyak ako ng iyak dahil gusto kong pumunta dun at sabi ko sa classmate ko kay third 
na dati kong crush at (alam kong crush niya din ako) ay samahan nia ko pumunta kaso absent siya noong araw na yun
nagpasama ako kay kath kaibigan ko sabi ko samahan mo naman ako nood tayo gig 
tapos pumayag siya pinaalam ko muna siya sa lola niya pero pahirapan pa at sa wakas pumayag naman
at nung sa amin na kami sa bahay na namin ay buti nalang pumayg na ang mama ko..
7 na kami nakaalis at papunta pa kmi sa 2nd ave para sumabay kila third kaso naiwan kami
nagpaturo nalang kami kung pano makapunta doon sa pasay sa blue wave malapit sa moa ..
at ayun gabi na nakapunta na kami sa wakas ...

hidi kami handa nung oras na yun nakita namin na halos lahat ng taong kakasalubong namin ay nkaporma 
sinundan nmin ang mga nakaitim dahil sabi smin ay pagmay nakita kaming nakaitim saka kmi bumaba
ayun bumba kami kahit malayo pa pala hahaha.
at sabik na sabik na AKONG MAKITA SI KEAN NG CALLALILY
dahil fave band ko sila ... yung nakapasok na kami napakarming tao at biglang bumuhos ang malakas na ulan
habang nanunuod kami tawag ako ng tawag sa boyfriend ko na si bren hindi niya sinasagot
may lumapit samin na barkada sinilungan kami ng tarpaulin nilang dala, sila ay si Mhakel, Jerome, Ace at si GILBERT KO


Si Gilbert ko nagpakilala sa amin,pero inaamin ko kahit na may boyfriend ako nung time na yun nagkagusto agad ako kay Gilbert. bakit?kasi ang cute niya at dalawa lang naman sila sa barkada ang gwapo at napansin ko agad si Ace yung isa.Yung natapos ang ulan basang basa kaming lahat at giniginaw na ako at ang nakakakilig doon ay biglang inoffer ni Gilbert ang kanyang mga kamay dahil nga sa giniginaw ako, hindi na ako nag dalawang isip pang ibigay ang aking mga kamay.At habang hawak namin ang kamay ng isat'sa kinakanta pa ni Janno Gibbs ang kantang "I Think I'm fallin | Fallen" .pagkatapos noon binitawan ko na kamay niya at nahihiya kasi ako syempre dapat pakipot muna ahhaha pinahiram niya din ako ng jacket ..habang nakikipag slamman sila Mhakel, Jerome at Ace si gilbert lang ang ayaw kaming iwan dahil nagwoworry siya baka mapano kami.at noong bago kami umuwi hiningi ni Gilbert number namin at binulungan ako ni kath na may boyfriend na daw ako sa kanya na daw si Gilbert kasi crush niya din .At ewan ko ba nagselos agad ako nung kinakausap ni Gilbert si kath at ako nasa likod nila habang naglalakad palabas.Hinatid nila kami haggang sakayan kinuhaan nila kami ng taxi dahil pahirapan kasi sa caloocan pa kami , eh sila taga taguig bicutan lang.at noong nakasakay na kami kinikilig ako hindi ako makapaniwala na may ganoong kasweet na lalaki akong nakilala at si kath hindi ako pinapansin alam ko kasi na nagseselos siya .May biglang tumawag sa akin, ang boyfriend kong si Bren sabi niya na saan na daw ba ako hindi niya daw alam na pumunta pala ako sa concert eh kanina pa daw sila 4pm nandun at umuwi sila 11 pm eh noong kinakausap ko siya mga 12am na .Doon ko lang naramdaman na may care din pala siya sa akin at kung kaylan naman nakakilala na ako ng bago saka siya nagpaparamdam.Naguguluhan ako sa mga oras na yun. At nung nakauwi na kami sa 2nd ave kila Third dahil tita ni third ang magbabayad ng taxi kasi yun ang sabi ng ita niya, doon na kami pinapatulog ng mama ni third pero bawal kami doon magstay papagalitan kami at may pasok pa kinabukasan. Naalala ko pla sabi ni Gilbert Tawagan ko daw siya pag nasa 2nd ave na kami pero sumagot ang papa niya tulog na daw si gilbert at yoon hinatid na kami ng tita ni third at sila third, 3am na ako nakauwi sa bahay at sobrang saya ko sa katunayan nga ayaw ko maghugas ng kamay eh (landi di ba? haha )

Kinabukasan, nagising ako nagopen ng t.v nanood ng myx MIT 20 pinapatugtog ang theme song namin ni Bren "Your Guardian Angel"
nang biglang may tumawag sa cp ko, si Gilbert nakitawag lang siya sa classmate niya dahil Sun usser ako at Smart siya. Tinawagan na daw niya si kath dahil hindi niya daw ako makontak pero ang pagkasabi ni kath tinawagan lang daw siya at sobrang tuwa nman niya crush niya kasi kaya ganon may gana pang magsinungaling hahah.Yun nga nung tinawagan ako ni Gilbert tinanung niya bakit hindi daw kami pumasok at kinamusta niya ko at yon.Nov22 kinabukasan pinagalitan kami ni ma'am dahil pinayagan na nga daw kami umuwi ng maaga nung isang araw tapos aabsent pa daw kami ayon nayare.Pero sa loob ng room laging bukambibig namin si Gilbert .Tapos kinabukasan November 23 saturday tumawag si gilbert ng hapon may mahalagang sasabihin kung pwede daw ba manligaw at sabi ko ako din may sasabihin din ako kinabahan siya sabi ko kasi wag siya magagalit sabi ko may boyfriend na ako pero parang hindi seryosohan kaya sasagutin ko lang si gilbert kapag hindi ako pinuntahan ni bren kinabukasan sa amin. Kinabukasan November 24 hindi nga pumunta si bren dahil may usapan kami na magkikita kami pero hindi siya pumunta doon ko tinext si Gilbert na kami na ,may halong lungkot at sobrang saya ang nararamdaman ko kasi hindi tumupad sa usapan si bren at si gilbert todo alala sa akin at doon nagsimula ang relasyon namin ni Gilbert.

Hindi ko na itutuloy kasi kung itutuloy ko pa aabutin ako ng ilang araw ahahah
ALMOST 4 YEARS NA KAMI NI GILBERT NGAYON AT MATIBAY PARIN KAMI 

  • si KIM na pinsan ko nagging ex-bf niya si Patrick na nanligaw sakin nung gradeskul
  • si Bren simula ng nawala na kami hanggang nownagging sila ni Nica , matalik kong kaibigan na sinama ko kila gilbert na nagustuhan ni mhackel na barkada ni gilbert hahaha.
  • si Kath hindi na kami masyadong close dahil simula ng nagging kami ni Gilbert.Ayaw niya kasi si Jerome na may gusto sa kanya na barkada din ni gilbert
  • si Ace pala kaibigan ni Gilbert hindi na sila masyadong close dahil sabi sakin ni ace nauna na daw si Gilbert kung hindi daw nauna si gilbert nun may chance pa .
  • si mhakel pala pinaselosan din ni gilbert nagging close kasi kami ni mhackel pero walang malisya mabait lang talaga si mhackel at masaya kausap.
dito nagtatapos muna ang kwento ko .. 
sana magustuhan ng makakabasa ..
salamat :* ;)

PISO by Jose Alfonso Payad

Noong bata pa ako, iba na ang hugis ng piso. Ito ay malaki, makintab kung bago at mabigat kung marami ang nasa loob ng iyong wallet. Sa pisong ito ay marami na ito mabibili - baon sa eskuwela, panukli sa tindahan,          pamasahe sa jeep at may pantawag sa payphone kasi tatlong beinte-singko lang ang kailangan noon.

Dumating ang panahon na nagbago ang itsura ng piso. Lumiit ito, makinab pa rin ngunit magaan na. Sa pagliit ng piso ay lumiit na rin ang halaga nito. Isa o dalawang kendi nalang ang mabibili nito ngayon.

Ngayon ay nanganganib ang piso. Patuloy na bumababa ang halaga nito. Sa pagbaba nito ay tumataas naman ang halaga ng mga bilihin. Muka sa singko sentimos na pamasahe noon ay naging apat na piso na ito.

Bakit nga ba ang piso ang ginagamit kong paksa sa aking sanaysay? May kaugnayan ba ito sa atin bilang mga Pilipino?

Mayroon! Malaki ang pagkakaugnay!

Tulad ng piso noon na malaki at mahalaga, ganoon din tayong mga Pilipino noon. Mataas ang paniniwala natin noon sa ating sarili. Taas noo nating tinatanggap ang ating pagiging Pilipino at batid mahalaga tayo.

Sa pagliit ng piso, lumiit na rin ang pagpapahalaga natin sa buhay. Kaliwa't kanan ang nagaganap na paglapastangan sa karapatan ng tao.

Siguro ay tayo na rin ang nagpabaya sa ating bansa. Tayo na rin ang may kasalanan. Ngunit may solusyon pa. Marahil, kung babaguhin natin ang tingin natin sa ating sarili, may posibilidad na magbabago ang sitwasyon ng ating bansa. Babalik ang tiwala natin sa ating sarili tulad din ng pagbabalik ng halaga ng piso. Ano sa palagay mo?

Kaibigan at Kapatid Kailanman by Clara Maire Gallardo

Laking tuwa ko ng kayo ay aking nakilala
Dahil sa inyo  ako ay nagkaroon ng sigla
Kayo ang nagsisilbing kapatid ko sa paaralan
Kasundo ko sa bawat harutan at kalokohan

kayo ang taong lagi kong hinahanap
Sa tuwing ako ay nalulugmok sa aking mga paghihirap
Kayo ang nagbibigay saya sa aking mga labi
Sa tuwing dumarating ang araw na ako ay nasasawi

Madalas tayong magbarahan at mag asaran
Ngunit kailanman ay hindi tayo nagkakapikunan
Tayo ay nagkakasundo sa lahat ng bagay
At sa piling ng bawat isa tayo ay napapalagay

Nais ko kayong pasalamatan
Dahil sa mga nagawa niyong kabutihan
Kayo ay itinuturing kong isang kayamanan
Na hinding hindi ko mabibitiwan kailanman

Pag-ibig sa Buhay ng Tao by Charmaine Poyaoan

Pag-ibig; isang salitang makabuluhan
Di man itinuturo sa paaralan.
Saan kaya natin unang natutunan,
walang iba kundi sa ating tahanan.

Di pa man tayo isinisilang,
ramdam na natin sa ating magulang.
Mula pagkabata hanggang sa paglaki,
tayo'y kanilang inaruga at kinandili.

Nang magkaisip na at magkamalay,
Natutong makihalubilo at lumabas ng bahay.
Dito ay may mga bagong makikilala,
Maiisip mong sila'y mga kaibigan na pala.

Kwentuhan, harutan, at tawanan,
pangako sa isa't isa'y walang iwanan.
Ngunit paglaon, ang iba'y di magtatagal.
At ang natira ay silang tunay na nagmamahal.

Sa tamang panahon, di mamamalayan,
tadhana'y ibinigay na ang taong nakalaan.
Buong puso sayo'y kanyang iaalay,
at paglilingkuran ka sa habambuhay.

Buhay nati'y bigyan ng kahulugan.
Pag-ibig mula sa Diyos ating pagsaluhan.
Ibahagi sa ating mga kapwa tao,
at sa Kanya ay maglingkod tayo.

Linggo, Agosto 21, 2011

1 Message Received by "Alegrado, Beverlyn"

      Ako ang taong iisa lang ang katext araw-araw. Pero noon kahit sino lang ang nakakatext ko, kahit hindi ko pa kakilala. Kahit iisa lang ang katext ko, nakakatanggap pa rin naman ako ng mga text galing sa ibang tao, yun nga lang malimit nalang akong magreply o sumagot sa mga text ng iba.

      Isang araw, katext ko yung taong araw-araw kong nakakatext. Umaga pa lang magkatext na kami. Okey kaming nag-uusap sa text, masaya kaming nagkukwentuhan, minsan din ay nagkukulitan pa sa text, ngunit dumating na lang bigla ang hindi ko inaasahan. nag-away kaming bigla. "Bakit?", hindi ko rin alam. Nagtext lang naman ako ng isang quote sa kanya at doon na nagsimula ang lahat. Nagkakasagutan na kami ng masasakit at hindi magagandang salita sa isa't isa.

     Nagsimula iyon ng hindi pagkakaintindihan. Natigil ang pag-uusap namin sa text. Ilang oras na ang lumipas wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kanya. Hapon na, tinignan ko muli ang aking cellphone, nagbabakasakaling nagtext na siya sa akin, ngunit wala pa rin pala. Gumabi na nga sa araw na iyon, ang hinihintay kong isang text ay wala pa rin.

     Makalipas ang ilang oras...

     Tumunog ang cellphone ko. Unang una kong reaksyon, napangiti ako. Medyo kinakabahan man sa mababasa ko, excited na akong mabasa ang text na iyon. Binuksan ko na nga ang natanggap kong text. At nung nabuksan ko na, parang gumuho ang mundo ko sa natanggap ko. Nawala ang mga ngiti ko at ang pagkasabik  na mabasa ang text. Nabadtrip, nainis at nairita ang mga naramdaman ko sa pagkakataon na iyon. Sus! GM lang pala.


( Hindi sa lahat ng pagkakataon dumarating ang gusto natin dumating. Kaya't huwag masyadong umasa dahil baka matulad kayo sa akin na umasa sa wala. )

Huwebes, Agosto 18, 2011

Ang Computer sa Modernong Panahon at sa Buhay Natin by "Bautista, John Carlo"

        Ano nga ba ang ibig-sabihin ng Computer? Ito ba ay nakakatulong sa atin upang mapadali ang ating pamumuhay o sa literal, napapadali nito ang ating buhay? Ano nga ba talaga? Alam naman natin lahat na ito ay isang teknolohiyang napakalakas maka-impluwensiya sa lipunan. Maaari ka ritong makakuha ng kung anu-anong impormasyon at syempre maglibang. Sa tingin mo, ang nakukuha mo bang mga impormasyon sa mga WebSites ay puro katotohanan? Maari nitong malason ang iyong isipan. Ganoon na rin sa iyong paglilibang. Ayos lang naman maglibang tayo kahit sandali upang mabawasan ang ating mga alalahanin. Pero, kung naaabuso na nito ang ating mga sarili at hindi na tama ang ating paglilibang, ito ay mali na.

        Bilang estudyante, ito ay nakakatulong sa atin ng malaki lalo na kung tayo ay mayroon dapat ireserts at kinakailangan malaman upang makisalo sa leksyon sa loob ng silid-aralan. Gayunpaman, hindi natin alam kung saang bagay natin lilimitahan ang paggamit dito. Ako, mismo sa sarili ko, tinuturing ko ng matalik na kaibigan ang Computer ko. Matalik na kaibigan na tumutulong sa akin sa bawat takdang aralin pero hindi sa reyalidad. Isa pa, kung ang Computer ay mayroong positibong epekto sa ating pamumuhay, hindi na rin mawawala ang kapatid nitong negatibo. Negatibo na kung saan ay napapalaganap pa lalo ang krimen sa buong mundo. Nandiyan rin ang cyber-bullying na kalimitang nangyayari sa mga sikat na artista.

        Isipin, alalahanin, pakatatandaan, hindi sa lahat ng oras maaasahan ang Computer. Gamitin mo ito sa wastong paraan ng sa gayon ikaw ay umunlad pa. Pagyamanin ang kaisipan at kaalaman sa mga blogs na may katuturan. Maari mong makita at mabasa pero huwag  mong paniwalaan kaagad.

Bigyan Importansiya ang Bawat Segundo ng Iyong Buhay. By "Bautista, John Carlo"

Upang mapagtanto ang kahalagahan ng ISANG TAON, itanong mo sa estudyanteng binagsak ng guro.

Upang mapagtanto ang kahalagahan ng ISANG BUWAN, itanong mo sa isang ina na nagbigay buhay sa isang premature baby.

Upang mapagtanto ang kahalagahan ng ISANG LINGGO, itanong mo ito sa isang awtor ng diyaryo.

Upang mapagtanto ang kahalagahan ng ISANG ORAS, itanong mo ito sa mag-irog na naghihintay makapagkita.

Upang mapagtanto ang kahalagahan ng ISANG MINUTO, itanong mo ito sa taong naiwan ng LRT.

Upang mapagtanto ang kahalagahan ng ISANG SEGUNDO, itanong mo ito sa taong muntik ng maaksidente.

Upang mapagtanto ang kahalagahan ng ISANG MILI-SEGUNDO, itanong mo ito sa taong nanalo ng Silver Medal sa Olympics.


Pahalagahan ang bawat sandali ng mayroon ka pa! Pahalagahan mo pa ito lalo habang ikaw ay mayroon pang buhay na natitira dito sa lupa. At pakatatandaan, ang oras ay hindi naghihintay kanino man.

15 na mga Bagay para Mapaniwala mo ang Magulang mo na "CRAZY" ka. by "Bautista, John Carlo"

1. Sundan mo sila sa loob ng bahay kung saan man sila magpunta.
2. Pagtinanong nila kung ano pangalan mo, sabihin mo "MOO"
3. Tumakbo sa pader.
4. Sabihin mo na ang pagsusuot ng damit ay bawal sa relihiyon mo.
5. Sa madaling araw, mga alas-kwatro, tumayo ka sa harapan nila at magsmile ka ng sobra, sabay sabi ng "Good Morning Sunshine."
6. Pumulot ka ng nalagas na piraso ng buhok at sumigaw ng "DNA!"
7. Maglagay ng sticker sa katawan na nakasulat ang "Ako'y magpapaliban!"
8. Magkaroon ng benteng imaginary friends at makipag-usap sa kanila lagi.
9. Sa labas naman ng inyong bahay, sumigaw at sabihin "Hindi Mama/Papa, hindi ko na to makakaya pa sa inyo!"
10. Sundin mo ang lahat ng sasabihin nila.
11. Tumalon ka sa bubong na para kang lumilipad.
12. Hawakan mong mabuti ang kanilang mga kamay at sabihin mo ng pabulong sa kanila na, "Nakakakita ako ng mga patay."
13. Kapag sila ay may sinasabi sa'iyo, sumigaw ka at sabihin mo, "Sinungaling!"
14. Subukan mong lumangoy sa inyong lapag.
15. Paluin mo ang pinto ng kwarto nila buong gabi.