Bakit may mga propesor na malulupit???
- Malupit tulad ng walang pakielam sa estudyante.
- Parang baliw kahit walang konek sa subject ay pinapagawa pa rin.
- Itatanong sa estudyante kung bagay ba sa kanya ang suot niya.
- Magbibigay ng quiz na pinagpipilitan niyang sabihin na ITINURO NIYA NA PERO HINDI PA!!
- Sobrang baba magbigay ng iskor.
- Laging namamahiya ng estudyante.
- Siya lang lagi ang
TAMA. - Higit sa lahat
MINOR FEELING MAJOR.... psst bawal yan!! :)
May malupit namang may magandang dahilan kung bakit sila nagiging malupit sa estudyante
- dahil gusto nila matuto ang mga estudyante.
- dahil gustong turuan ng magandang asal ang estudyante.
- dahil para din naman sa estudyante ang pagsusungit nila .
- dahil minsan may kasalanan din ang estudyante kung bakit siya pinaglulupitan.
May mag propesor namang mababait.
- mabait nga hindi naman marinig ang boses sa sobrang hina
- mabait na magaling pa magturo at ipapaliwanag talaga ng mabuti ang itinuturo.
- mabait na nakakatawa pa at magaling pa magturo, san ka pa??siyempre sisipagin ka magaral.
- mabait, maganda, sexy, cool at magaling magturo siya ang paborito ko ahhaha ..
at may mga nakakaaliw pakinggan kahit paulit-ulit nang sinabi:
- korek , korek??
- oki? oki??
- di ba masaya??
- tama ba??
- are you with me?
- ayos ba yos ba???
- at MAAARI NA KAYONG LUMAYA ... hahaha ..
Mahal na mahal namin lahat ng matitinong propesor namin na mahal din kami
salamat po :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento