Pag-ibig; isang salitang makabuluhan
Di man itinuturo sa paaralan.
Saan kaya natin unang natutunan,
walang iba kundi sa ating tahanan.
Di pa man tayo isinisilang,
ramdam na natin sa ating magulang.
Mula pagkabata hanggang sa paglaki,
tayo'y kanilang inaruga at kinandili.
Nang magkaisip na at magkamalay,
Natutong makihalubilo at lumabas ng bahay.
Dito ay may mga bagong makikilala,
Maiisip mong sila'y mga kaibigan na pala.
Kwentuhan, harutan, at tawanan,
pangako sa isa't isa'y walang iwanan.
Ngunit paglaon, ang iba'y di magtatagal.
At ang natira ay silang tunay na nagmamahal.
Sa tamang panahon, di mamamalayan,
tadhana'y ibinigay na ang taong nakalaan.
Buong puso sayo'y kanyang iaalay,
at paglilingkuran ka sa habambuhay.
Buhay nati'y bigyan ng kahulugan.
Pag-ibig mula sa Diyos ating pagsaluhan.
Ibahagi sa ating mga kapwa tao,
at sa Kanya ay maglingkod tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento