Mga Pahina

Martes, Agosto 30, 2011

Isa ka bang katulad nila? ni MariaClaribethS.Zapanta

Isa sa masayang parte ng buhay ng tao ay ang pagpasok sa paaralan. Dito nagsisimulang makakilala ng mga bagong kaibigan, makaranas ng bagong bagay at matutong makitungo sa ibang tao. Pero hindi nating maiiwasang mapuna ang bawat pagkakaiba iba ng mga estudyante sa paaralan. Ano nga ba ang iba’t ibang uri ng mga estudyante na iyong nakakahalubilo sa paaralan?
                Simulan natin sa mga estudyanteng kung tawagin ay mga NERDS. Sila yung mga tipo ng mga estudyante na nagiging popular tuwing may pagsusulit. Nagiging best friend ng buong klase. Dumarami ang katabi at mga taga hanga na nagaabot ng sulat. Ngunit iisa lang naman ang palaging nilalaman ng sulat na natatanggap niya. Ito ay ang “pahingi naman ng sagot. SalamatJ
                Sumunod naman ang professor’s number one best friend. Ang mga ARMALITE. Sila yung tipo ng estudyante na simula pagpasok hanggang sa mag uwian ay dumadaldal. Halos minuminuto ay pinagsasabihan ng propesor na tumahimik ngunit hindi niya talaga makuhang manahimik. Dinaig niya pa ang propesor sa pagdidiscuss. Para bang hindi man lang makuhang mangawit ng kanyang panga sa kadadaldal.
                Ang mga pa-CHARMING naman ay yung mga estudyanteng ginagamitan ang mga kamag-aral ng charm kapag sila ay nakikiusap o hihingi ng pabor. Madalas sila yung mahilig makiusap sa kamag-aral na nagpapagawa ng asignatura. Konting bola at ngiti lang sa kamag-aral ay napapayag na niya ito.
                Meron ding mga STRAW kung tawagin. Sila yung mga estudyanteng kung makasipsip sa propesor ay wagas! Para ba siyang nanliligaw. Dadaanin niya sa mga pabola bola ang propesor hanggang sa makapalagayan na niya ito ng loob. Kaya huwag nang magugulat j=kung papasa na lang siya ng walang kahirap hirap.
                Hindi naman pahuhuli ng tulog ang mga SLEEPY HEADS. Sila yung mga estudyante na sa sobrang pagpupuyat sa paglalaro sa eskwelahan na makakatulog. Mahilig silang pumuwesto sa sulok kung saan hindi sila kaagad mapupuna ng propesor. Minsan naman mas pinipili nila na pumuwesto na halos katabi na ng propesor sa ganoo’y hindi siya mapansin na tulog na siya. Pero malas niya kung siya ay mananaginip at napasigaw. Tiyak huli siya ng propesor at Guidance ang bagsak niya o di naman kaya ay babagsak siya.
                Ang mga MUSIC LOVER. Siya yung tipo ng estudyante na simula sa pagpasok ay may nakasulpak nang earphone sa tenga. Minsan pa nga ay kahit nagkakaklase ay nakasulpak pa din ang earphone. Kaya madalas silang nahahampas ng kanilang katabi.
                Meron namang mga TORO. Sila yung tipo ng estudyante na nakikipagasaran sa kapwa kamag-aral nila pero kapag sila naman ang aasarin napipikon kaagad. Madalas siyang gumawa ng gulo. Kaya madalas din silang nagkakape sa opisina ng Guidance Counselor.
Iba’t iba talaga ang personalidad ng isang tao. Minsan hindi lahat ay gusto ang ugaling pinapakita mo. Pero ito ang nagbibigay kulay sa ating buhay estudyante.  At mas mainam ng magpakatotoo kaya sa naman ipakita mo ang isang ugaling hindi mo naman kayang panindigan. Mas mamahalin ka ng ibang tao kung marunong kang magpakatotoo. Ikaw ano uri ka ng estudyante?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento