Bilang estudyante, ito ay nakakatulong sa atin ng malaki lalo na kung tayo ay mayroon dapat ireserts at kinakailangan malaman upang makisalo sa leksyon sa loob ng silid-aralan. Gayunpaman, hindi natin alam kung saang bagay natin lilimitahan ang paggamit dito. Ako, mismo sa sarili ko, tinuturing ko ng matalik na kaibigan ang Computer ko. Matalik na kaibigan na tumutulong sa akin sa bawat takdang aralin pero hindi sa reyalidad. Isa pa, kung ang Computer ay mayroong positibong epekto sa ating pamumuhay, hindi na rin mawawala ang kapatid nitong negatibo. Negatibo na kung saan ay napapalaganap pa lalo ang krimen sa buong mundo. Nandiyan rin ang cyber-bullying na kalimitang nangyayari sa mga sikat na artista.
Isipin, alalahanin, pakatatandaan, hindi sa lahat ng oras maaasahan ang Computer. Gamitin mo ito sa wastong paraan ng sa gayon ikaw ay umunlad pa. Pagyamanin ang kaisipan at kaalaman sa mga blogs na may katuturan. Maari mong makita at mabasa pero huwag mong paniwalaan kaagad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento