Sa tuwing ako ay lumalabas ng bahay at namamasyal ang dami kong nakikita na mga bata na nagkalat sa kalsada upang mamalimos at mag hanapbuhay para lang tumulong sa kanyang pamilya upang sila ay may makain sa araw na iyon. Sa tuwing tinitignan ko ang kanilang mga mata ako ay naaawa dahil sa sinasapit nila. Naiisip ko kung paano kaya kung ako ang nasa kalagayan nila maaatim ko ba ang ganitong buhay? Sa murang edad ay nalalasap na nila kung gaano kahirap ang buhay, hindi nila natatamasa ang saya ng pagiging isang musmos. Umaga palang, sila ay nasa kalsada na upang magtinda ng sampaguita, ang iba ay basahan at ang iba naman ay namamalimos ng pera upang lamnan ang kumukulong sikmura.
Sa bawat bata na nakikita ko na naglalakad sa kalsada nadudurog ang aking puso, dahil hindi ko mawari na mayroong mga ganung bata at hindi ko lubos maisip na bakit sila pa ang dapat na gumawa ng ganoon. Minsan nang may lumapit na bata sa akin at ako ay may dala-dala na cheeseburger ibinigay ko sa kanya ito, agad agad niyang kinuha, walang pagaalinlangan. Siya ay nagpasalamat sa akin, ako ay lubos na natuwa sa kanyang sinabing “ Ate salamat sana pagpalain ka ng Panginoon”, sabi ko nga sa kanya ay sumama na lamang siya sa akin at kami na ang magaaruga sa kanya ngunit ang sabi niya lamang sa akin “ Ayoko po mahirap iwanan ang aking nanay dalawa na lang kasi kami eh “ ,umalis na ang bata, pagtalikod ko ako ay napaluha. Napakabait ng batang iyon gagawin niya ang lahat para lang sa kanyang ina. Samantalang ang iba ay hindi pa alam ang ganitong sitwasyon.
Masuwerte ako at ganito ang aking naging buhay, taliwas sa mga bata na nakikita ko sa kalsada. Naaalala ko noong ako ay bata pa lamang malapit na sa puso ko ang mga bata na katulad nila. Dahil sa kami ng aking kapatid ay walang kalaro kundi ang isa’t-isa ang lagi kong hiling sa aking ina ay papasukin sa bahay ang mga bata na naglalaro sa labas upang makipaglaro sa amin, sila ay pinaliliguan ng aking ina at hinahayaang makilangoy sa amin, sa aming kiddie pool at hinahayaang laruin ang mga laruan namin na para bang sa kanila na rin. Masayang Masaya ako sa tuwing nakikita kong Masaya ang ibang tao, kaya naman hanggang sa pagtanda ko ganun pa rin ang halaga nila sa buhay ko.
Balang araw kapag ako ay nakapagtapos na ng pag-aaral at mayroon ng sariling trabaho, tutulungan ko sila. Ang mga bata sa kalsada ay bibihisan ko ng maganda at ipapalasap ko sa kanila kung gaano kasaya ang maging bata. Habang ako ay nag-aaral pa sila ang gagawin kong inspirasyon upang makamtan ang aking mga pangarap. At sana balang araw makamtan din nila ang sarili nilang mga pangarap.
Kakaiyak na man :) NICE
TumugonBurahin