Dumating ang panahon na nagbago ang itsura ng piso. Lumiit ito, makinab pa rin ngunit magaan na. Sa pagliit ng piso ay lumiit na rin ang halaga nito. Isa o dalawang kendi nalang ang mabibili nito ngayon.
Ngayon ay nanganganib ang piso. Patuloy na bumababa ang halaga nito. Sa pagbaba nito ay tumataas naman ang halaga ng mga bilihin. Muka sa singko sentimos na pamasahe noon ay naging apat na piso na ito.
Bakit nga ba ang piso ang ginagamit kong paksa sa aking sanaysay? May kaugnayan ba ito sa atin bilang mga Pilipino?
Mayroon! Malaki ang pagkakaugnay!
Tulad ng piso noon na malaki at mahalaga, ganoon din tayong mga Pilipino noon. Mataas ang paniniwala natin noon sa ating sarili. Taas noo nating tinatanggap ang ating pagiging Pilipino at batid mahalaga tayo.
Sa pagliit ng piso, lumiit na rin ang pagpapahalaga natin sa buhay. Kaliwa't kanan ang nagaganap na paglapastangan sa karapatan ng tao.
Siguro ay tayo na rin ang nagpabaya sa ating bansa. Tayo na rin ang may kasalanan. Ngunit may solusyon pa. Marahil, kung babaguhin natin ang tingin natin sa ating sarili, may posibilidad na magbabago ang sitwasyon ng ating bansa. Babalik ang tiwala natin sa ating sarili tulad din ng pagbabalik ng halaga ng piso. Ano sa palagay mo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento