Marahil marami sa inyo ang nagtataka kung bakit ang dalas kong wala, kung minsan papasok at biglang mawawala.at kung minsan tuloy tuloy ang pagka wala o ang pagka liban sa klase.At marahil yung iba iniisip "NAGLALAKWATSA LANG YAN, NAHATAK NA NAMAN SIGURO" pero sana nga ganoon lang ang mga nangyayari sa akin.
Hindi ako handa magpakilala,Hindi ako handa para kaawaan ng iba,Hindi ako handa sagutin ang mga bawat katanungang magmumula sa inyo o sa iba pang tao,at hindi pa rin ako handa umiyak sa harap ninyo.
Kung kaya't dadaanin ko nalang dito ang aking paliwanag. Ito ay walang bahid ng anumang kasinungalingan.
Minsan na akong dumaing sa mga kaibigan ko, yung iba sinabi "naku, baka beke yan" at ang iba "baka ngalay lang yan." pero isa,dalawang araw na ang lumipas meron paring sakit na hindi ko maintindihan.Kung kaya't sinabihan na ako sa amin na "pagpasok mo wag mo kalimutang dumaan ng clinic baka kung ano na yan."Kung kaya bago ako pumasok sa klase, dumeretso na muna ako sa clinic, at ang sabi "MUSCLE PAIN LANG YAN" at binigyan ako ng alaxan fr. pero hindi parin nakuha sa gamot,kung kayat ang bawat sakit ay sumasabay sa bawat pintig ng aking mga pulso sa leeg. At muli akong bumalik sa clinic, pero andun na ung pagdududang "HINDI LANG TO MUSCLE PAIN" pero pinilit parin nila na "MUSCLE PAIN NGA LANG TO" at pinaoras sa akin ang pag inum ng alaxan fr. pero isang linggo na ang lumipas, eto parin ung sakit, at ang matindi pa rito NAMAGA NA ANG LEEG KO, at pati ang kabilang parte ng leeg ko SUMAKIT NA. Kaya pati pamilya ko sobra na nag-alala, sinubukan ko humingi ng REFERRAL LETTER sa clinic upang magamit ang benefit ko bilang estudyante ng ating eskwelahan, pero hindi nila ako binigyan, ang tanging binigay sa akin ay panibagong gamot at may binitiwang salita na"ANG BILIS NAMAN,SA LUNGS KASI YAN,PERO HINDI KA NAMAN KABILANG SA MAY BAD RESULTS" at "BAKA TB YAN". Sinabi ko sa amin yung sinabi ng doctor sa clinic pero hindi ko pinaniniwalaan na "MAY TB AKO SA BAGA"pero ilang araw na ang lumipas mas tumitindi ang sakit, halos hindi ko na magalaw ang leeg ko.at may ibang tao nagsabi baka "KANSER YAN" dyan ako sobra natakot.walang gabi na hindi ako nangangamba at napapaiyak kapag naiisip ko yan.
Kaya napag-isip isip ng karelasyon ko ipatingin ako sa totoong doctor, at boom!
"hindi normal sa edad mo ang maraming kulani sa leeg, mag pa x-ray ka at biopsy, pwedeng TB SA KULANI yan o KANSER SA KULANI"
"aww.. sobrang bigat sa pakiramdam..bakit ganoon?" ang sabi ko sa sarili ko.
PERO NEGATIVE NAMAN NAGING RESULT NG X-RAY,medyo nakahinga na ko ng maluwag pero meron pang isa at yun ay ang KANSER SA KULANI.. pero hindi ako pina-biopsy dahil naninindigan ang pamilya ko na baka wala lang to. kung kaya dinala ako sa iba pang doctor at ang sinabi.
"CLEAR NGA ANG LUNGS NIYA PERO MALAKI POSSIBILITY NA TB SA KULANI YAN, PERO TIGNAN NATIN AFTER 1 MONTH KAPAG HINDI NAKUHA SA GAMOT BIOPSY NA." at sabay tanong ni mama "NAKAKAHAWA HO BA YAN DOC?" at sinabi "HINDI NAKAKAHAWA YAN, ANG NAKAKAHAWA YUNG TB SA BAGA" pero hindi parin alam kung ano ito, kaya sobra parin ako nananalangin na sana hindi ito kanser.
Sobrang bigat sa pakiramdam parang dati lang ang kutob sakin may diperensya puso ko dahil lagi ako nahihirapan huminga lagi ako namumutla. tapos ngayon eto naman mas matindi pa, bakit ganoon? ganto na ba ako kapabaya sa sarili ko? Kung kaya ganto nararamdaman ko,kaya ganto napala ko?
At ngayon, nabasa nyo na to, at marahil iba sa inyo alam kung sino ako, naway sana hindi na ninyo ibroadcast kung sinuman ako.
Hindi ako umaarte,totoo ang lahat ng ito..
kung makita niyo ako na hinahawakan ang parteng dibdib, yun ay dahil masakit ito at nahihirapan ako huminga.
kung makita nyo man akong namumutla, yun ay dahil mababa ang dugo ko.
kung makita nyo man akong hawak ang leeg ko, yun ay dahil sumasakit ito.
ninanais ko lamang na paniwalaan niyo ako.
kung naawa man kayo sa akin, favor wag nyo ipadama sa akin.
sobra na kasi ung awang nararamdaman ko para sa sarili ko.
ayoko na madagdagan pa.
... T.T ...
IT6C-Filipino
Biyernes, Setyembre 9, 2011
Huwebes, Setyembre 8, 2011
ILoveYou , Pwedeng Tayo na ? ni Nicole Vasquez
Inlove ka ba ? Sinabi mo na ba ito sa kanya o hindi pa ? Nagdadalawang isip dahil ayaw mareject ?? puwes ito ang mga pick-up lines na maaring magamit sa pagsuyo o hindi kaya ay maipahayag sa kanya ang nararamdaman.
Girl: Ano kaya nasa dulo ng Universe, noh?
Boy: Di ko alam eh? Pero alam ko kung ano yung umpisa. :)
Girl: Ano?
Boy: U N I. at alam mo bang kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikw ang axis nito, para sa iyo lang iikot ang mundo ko.
Boy: Di ko alam eh? Pero alam ko kung ano yung umpisa. :)
Girl: Ano?
Boy: U N I. at alam mo bang kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikw ang axis nito, para sa iyo lang iikot ang mundo ko.
ang cheesy , pati universe dinamay
Girl : hmp ! bakit kasi ang tankgad mo kesa sakin??
Boy : sus, mabuti nga yun eh.
Boy : sus, mabuti nga yun eh.
Girl :bakit?
Boy : dahil lagi mong maririnig ang puso ko na tumitibok para lang sayo.
Boy : dahil lagi mong maririnig ang puso ko na tumitibok para lang sayo.
o dba? kilig si girl , kulang na lng tumambling siya .
Boy: Alam mo bang ulan ka at lupa naman ko?
Girl: Bakit?
Boy: Para kahit anong mangyari sa akin ang bagsak mo.
hehe, kalikasan ay idamay na din.
Boy: maglaro na tayo ng kahit na anung laro wag lang taguan.
Girl Bakit?
Boy: Because a girl like you is impossible to find.
Boy: Sana facebook status ka na lang.
Girl Bakit?
Boy: para pwede kita i-like
uso talaga facebok ngayon.
Boy:Para kang holpdaper.
Girl Bakit?
Boy: Lahat ibibigay ko sayo, wag mo lang akong saktan.
Boy: Galing mo din no?
Girl Bakit?
Boy: Di mo pa ko binabato, tinamaan na ko sayo .
Naks! Batuhan na yan .. ng damdamin cyempre :J
ilan lang ito sa mga “pick-up lines” na kung tatawagin na ngayon ay sikat sa lahat. Dinadaan sa ganito upang mipahayag ang mga nararamdan.
Kamawawes(Kalamares) ni Ryan Jorell Macatuno
Ang Kalamares....
isang masarap na street food ewan q ba kung baket marameng nahuhumaling sa sarap nito sobra, haha
kaya nga madalas eh naglalakad kme ng tropa(zhong, john, gel, gab, jeric, sav) makakain lang ng kalamares masaya kame pag nakakakain nun parang nawawala lahat ng problema sa kakakain kaya lang sa bandang huli pagbabayad naman ang problema, haha, dahil sa dami ng kinain malaki din ang babayaran, ang kalamares ay nagkakahalaga ng 3 piso sulit naman dahil masarap, hehe...
Ngaun madalang nalang kame nakakakain ng tropa siguro 3 beses sa isang linggo na ang pasok namen ay 4 na beses sa 1 linggo, hindi namen malimutan ang sarap kulang nalang magtinda nadin ng kanin ung tindero dun at kilala nya na rin kame, ngaun iniintay ko nalang na bigyan kame ng discount ni manong, hehe, suki naman kame at madalas na nakikita nya kame na kumakaen dun...
Masarap ang kalamares kung may pagkakataon lang gusto ko sana makasama namen kayo dun sa kamawawes para matikman nyo din ang ligaya nitong hatid, haha, sabi nga ng tropa "oh, pagkasawsaw alis na" dahil sa may nakapila sa likod mo para sumawsaw sa suka, sa ngayon eh madame kameng nahuhumaling dito sumama kayo samen minsan nang maranasan nyo ang pagkain na naghatid ng sarap samen.. :D
isang masarap na street food ewan q ba kung baket marameng nahuhumaling sa sarap nito sobra, haha
kaya nga madalas eh naglalakad kme ng tropa(zhong, john, gel, gab, jeric, sav) makakain lang ng kalamares masaya kame pag nakakakain nun parang nawawala lahat ng problema sa kakakain kaya lang sa bandang huli pagbabayad naman ang problema, haha, dahil sa dami ng kinain malaki din ang babayaran, ang kalamares ay nagkakahalaga ng 3 piso sulit naman dahil masarap, hehe...
Ngaun madalang nalang kame nakakakain ng tropa siguro 3 beses sa isang linggo na ang pasok namen ay 4 na beses sa 1 linggo, hindi namen malimutan ang sarap kulang nalang magtinda nadin ng kanin ung tindero dun at kilala nya na rin kame, ngaun iniintay ko nalang na bigyan kame ng discount ni manong, hehe, suki naman kame at madalas na nakikita nya kame na kumakaen dun...
Masarap ang kalamares kung may pagkakataon lang gusto ko sana makasama namen kayo dun sa kamawawes para matikman nyo din ang ligaya nitong hatid, haha, sabi nga ng tropa "oh, pagkasawsaw alis na" dahil sa may nakapila sa likod mo para sumawsaw sa suka, sa ngayon eh madame kameng nahuhumaling dito sumama kayo samen minsan nang maranasan nyo ang pagkain na naghatid ng sarap samen.. :D
Exam Exam! ni Kateleen Alfonso
alam nyo ba , pag narinig na ng mga estudyante sa kanilang professor na exam na. natataranta na ang iba sakanila, lalo na ang mga sumusunod :
ABANGERS - sila ang mga tao na nagaantay lang ng tamang tiyempo upang makasilip at magtanong sa kaklase nila. mahilig silang yumuko at kunwari ay nagbabasa at nagsasagot ng kanilang papel.
TEXTERS - ang mga taong ito naman ay para din abangers. yun lang nga ang diskarte nila ay ang pag gamit ng cellphone kung saan inaantay nila may mag GM o group message sakanila tapos pag naresib na nila ang message ,magpapaalam sila sa professor dahil kunwari ay may itetext sila na importante pero ang totoo babasahin lang ng nakaresib ang mga sagot na tinext sakanya.
KODIKOSKERS - eto ung mga taong matindi kung mandaya pag exam. sinusulat nila ang hindi lang ang mga uri o mga kailangan i-enumerate , kundi kasama na ang mga meaning ng mga salitang kinuha nila.
PASA-PAPEL - eto ung mga taong simple lang ang diskarte lalo na kapag ang mga professor nila ay medjo matanda na. ang mga pasimuno ng ganetong paraan ay ang mga magbabarkada sa klase. meron sakanila na nagaral talaga, tapos inaantay nila na matapos ang kaibigan nila tapos ay ipapalagay lang sa papel at tapos ay ibabato o pasimpleng ipapasa sa katabi.
iba iba man ng paraan , isa lang ang patutunguan. ang MAKAPANGDAYA sa EXAM.
kasali ka kaya sa mga estudyanteng gumagawa nyan?
KALAMARES ni Gabriel Rafael Paraiso
Ohh grabe, pagkatapos ng klase, diretso agad sa gilid kalye na kung saan merong KALAMARES pare .
Kalamares ang nagging isa sa mga dahilan kung bakit nagging close at super bond kami ng Tropang IT-6C.
Biruin mo kasi pagkatapos ng OOPLA namin . Kahit badtrip kaming lahat dahil di namin nakuha at natapos ng maayos ang pinagawa ni Sir Richard na aming Prof sa OOPLA ay Kakain at kakain parin kami ng paburitong KALAMARES. Ewan ba namin at parang Chicks na nanghihila ang KALAMARES ni Kuya Manong . Kahit ang sakit sa bulsa pagtapos naming kumaen. Wow naman ang kapalit at sabay inom ng Buko Juice na katabing bilihan ng Kalamares ni Kuya Manong .
Pagkatapos naming kumain ay diretso na agad sa Victory Mall. Palamig ng Onti at pagkatapos ay dun na magpapaalam ang mga Tropa . Ayaw man naming maghiwahiwalay pa pero nakakasawa ang mga pagmumukha nila . Magkikita-kita parin naman ehh. Pero kahit anung mangyari. Magiba-iba man kami ng maging estado ng buhay pagdating ng araw . Isa lang ang “THE BEST” na maalala naming lahat sa Tropa … yun ay ang KALAMARES .
Isa ito sa mga patok na Gawain ng mga kabataan ngayon at kasama na din ang mga nakakatanda na gumagamit nito upang makipagkomunikasyon sa kanilang mga kamag-anak na nasa mga malalayong lugar na hindi nila madalas nakikita o nakakausap manlang.
Ganon pa man ang mga gumawa ng social site na ito. Ay nagbalak na lalo pang mapaganda o mapaunlad ang social site na ito. Para sa mga tumatangkilik ng kanilang website.
Kaya naman ginawa nila ang tinatawag nilang “video chatting”. Oo maganda ito para sa mga katulad natin na gumagamit ng Facebook. Subalit kung ang paggamit nito ay medyo kumplikado para sa mga hindi masyadong pamilyar sa paggamit ng computer. Mahihirapan sila na gumamit nito. Hindi ba??. Lalo na ngayon na dumadalang na ang paggamit social site sa kadahilanang na nahihirapan mag-adopt ng bagong features nito.
Miyerkules, Setyembre 7, 2011
THE CORE BY AARON CONCEPCION
ang po ay magsasalaysay ng isang pelikula na maaaring magkatotoo ito po ay pinamagatang the core kung san sa taong 2056 ang buong ay makakaranas ng sobrang init dahil dito lumalabas ang mga sakit sa balat na walang lunas kaya my isang grupo ng scientist ang nagaral para sa mga lunas ngunit wala silang nakitang lunas kaya nais nila na bakit hindi ang sahi ang kanilang pigilan pinagaralan nila mabuti kung anu ang nasa loob ng mundo dahil sa malalim ito sila ay gumawa ng isang sasakyan na nakapaghuhukay sa pinakamatigas na bato dahil mainit sa loob ng mundo sila ay gumamit ng pinakamatibay na proteksyon ginamit nila ang kevlar sa kanilang suot nagpatuloy sa kanilang misyon habang nilalakbay nila sila ay nadaan sa malalaking kristal hindi na nila papansinin ito ngunit isa sa mga ito ay humarang sa kanilang daan bumaba ang 2 upang tanggalin ito natangal naman nila ito ng maayos nang babalik na sila sa sasakyan nila my tumulong magma sa katawan ng isa kaya namatay siya pinagpatuloy nila ang kanilang misyon muli nadaan sila sa isang lugar na puro diamante at mamahaling kristal dahil sa kasakiman 2 sa kanila ang nagpaiwan namatay din ang mga ito dahil sa mainit dito 3 na lng silang natira at hindi padin sila nakakapunta sa kanilang pakay angdulo ng kanilang sasakyan ay natunaw na at unti unti nang numinipis ang hangin dahil dito isa ang namantay 2 na lang sila isang babae at isang lalaki nakita na nila ang kanilang pakay agad nila nilagay ang gamit na magpapalamig dito kala nila gumana na ito ngunit biglang uminit kaya nasabi nilang hindi epektibo nais ng lalaki na sasakripisyo na nya ang buhay niya gagamitin niya ang sasakyan upang butasin ito nilagay niya ang babae sa isang container na ibabailk siya sa ibabaw ng mundo tinuloy nila ito nagawa ng lalaki ang misyon namatay din ang babae dahil natabunan na ang kanyang daanan palabas kaya walang nakaligtas sa misyon na ito ngunit nagawa nilang iligtas ang mundo...
ang kevlar po pala ay isa sa pinakamatigas naepektibong pananga ito ay kadalasang ginagamit sa pag gawa ng bullet proof armor
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)