Pag-ibig ang syang naghahari, pero anu nga ba nagagawa ng pag-ibig pag pumapasok na ito sa puso ng isang tao? Lahat ba ng tao ay may pag-ibig? Bakit pumapasok ang pag-ibig sa isang tao? Lahat ng iyan ay malalaman niyo sa mga susunod na pangungusap.
Maraming nagagawa ang taong tinamaan ng pag-ibig, nanjan na yung tipong ibibigay mo ang lahat para sa iyong minamahal, magsasakripisyo, magbubulag-bulagan, magsinungaling, magpatawad at marami pang iba. Ika nga ng karamihan “ walang mahirap sa taong minamahal “.
Lahat ng tao sa mundo ay may kanya-kanyang pag-ibig yun nga lang ang pag-ibig na iyon ay may iba’t-ibang uri, gaya ng pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa kaibigan, pag-ibig sa pamilya, pag-ibig sa mga guro’t kaklase, at higit sa lahat pag-ibig sa Diyos. Lahat ng yan ay naaayon din sa iba’t-ibang uri ng tao.
Pumapasok ang pag-ibig sa bawat tao, dahil din sa iba’t-ibang dahilan. Nariyan ang dahilan para magprotekta, pagnanasa, pera, kapangyarihan, kasiyahan at kagihawaan. Ilan lang yan sa mga dahilan ng tao kaya pumapasok ang salitang “ pag-ibig “.
Iba’t-iba man ang uri, pakay at paraan ang pag-ibig lagi sana nating isa alang-alang kung tama ba o mali ba ang pag-ibig natin para sa isang tao o bagay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento