May pamahiin ka bang alam o di kaya ay pinaniniwalaan? Hindi pwedeng wala dahil ang mga pinoy ay napakamapamahiin. Bawat isa ay may kanya kayang pinaniniwalaan. Kahit na ba wala itong basehan ay paniniwalan pa din. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pamahiin na alam ko.
Bawal magbunot sa gabi.
Meron isang beses nagbunot ako ng gabi, sabi ng tita ko “ui di mo ba alam , bawal magbunot pag gabi?? naiingayan yung mga nasa ibaba”. Napaisip ako “ sinong nasa ibaba? may tao?? natutulog?? “ haha, pero kapag bata ka pa maiisip mo sila satan o mga demonyo ang nasa ibaba. At di ba dapat gising sila ng gabi ??
Bawal maggupit kapag gabi.
Hindi ko alam kung bakit bawal? Pero sinusunod ko ito. Hindi na kaya tutubo ang mga kuko natin kapag ginawa natin ito???
Bawal magwalis kapag may patay.
Napansin niyo ba kapag burol napkakalat? Dahil ito sa paniniwala ng mga pinoy na bawal magwalis kapag may patay. Sinasabi nila na kapag nagwalis ka ay may susunod kaya wala nang nagbalak magwalis kapag may patay. Ok na sana kaso may mga taong nagtatapon na lang basta ang masaklap, di niya kaanu anu yung namatay o namatayan, kumbaga napadaan lang.
Bawal humiga kapag basa pa ang buhok, dahil mabubulag ka.
Alam mo yung feeling na bagong ligo ka siyempre refresh ka, gusto mo humiga, pero pinigilan ka sabi bawal mabubulag ka, hihiga ka ba o hindi ? try mo. :)
Hindi pwedeng magpaulan ang isang babaeng may buwanang dalaw.
Ito yung tipong alam ng mga kaibigan mong may buwanang dalaw ka at biglang umulan, sabihin nila sayo “Hala mababaliw ka.” Nanakot pa ?? haha ikaw naman todo salag sa ulan kahit walang payong para hindi mabaliw. pero pano kapag baliw ka na?? haha
Kapag sinabi mo ito ”mamamatay si “ganto”” ,kailangan kumatok ng 3 beses.
Natry mo na to nu ?? hehe. Kapag hindi ka kumatok magkakatotoo, kaya kumatok ka na ,kaw din, kargo mu pa kung mamatay man. haha.
Kapag unang gupit ng isang bata kailangan iipit sa libro.
Ginawa ba sa inyo ito ng lola o mama ninyo? Iniipit nila ito para humaba uli ang buhok natin o hindi kaya para tumalino tayo. Sa mga nakaranas na, epektib ba ?
Ang isang dalaga ay hindi dapat kumakanta sa harap ng kalan o habang nagluluto . Siya ay makakapag-asawa ng matanda.
Hindi naman ako nagluluto kaya hindi ko to magagawa. Ibig sabihin ba nun makakapagasawa ako ng maaga ????
Kung masugatan ka ng Biyernes Santo, hindi na ito gagaling.
ito ang kinakatakutan ko tuwing sasapit ang Biyernes Santo. Iniiwasan ko talagang masugatan dahil ayokong magkaroon ng sugat na habanag buhay nu, with matching dugo?? never .. >.<
Ito pa.. pag aalis ng bahay at kumakain ang mga kasambahay. dapat iikot ang pinggan. Bawal magdala ng pagkaain galing sa patay. Bawal magbitbit ng ataul ng patay ang kamaganak.
Ilan lang ito sa mga pamahiin na alam ko at mga nakalap. Mga kanya kanyang paniniwala at mga gawa gawa. Pero bakit nga ba naniniwala pa din tayo kahit wala naman basehan?? ay bahala na. :) Basta Kanya kanyang paniniwala lang yan ..
Kapag nakakita ka ng itim na pusa ay mamalasin ka. Nakita mo ba ??? Mamalasin ka kaya??
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento