Isang parisukat na telang may iba’t-ibang kulay at disenyo. Kadalasan, ito ay ginagamit na pamunas sa ating mga mukha lalo na kung tayo ay pawisan. Kampante tayo sa tuwing may bitbit tayong panyo. Minsan pa nga ay nilalagyan pa ito ng pulbos mapanatili lang na maayos ang ating mga itsura. Sa twing nakakalimutan nating magdala ng panyo, mga mukha natin ay nagsisilbing kawaling mamantika. Ang panyo ay hindi lamang nagsisilbing pamunas ng ating mga mukha, maaari rin itong maging panakip ng iba’t-ibang parte ng katawan. Halimbawa na lamang ay sugat na tinakpan ng panyo upang tumigil sa pagdurugo. Halimbawa rin ay ang mga tambay sa kanto, karamihan sakanila ay makikitaan natin ng malalaking panyo na nakatakip sa mga bibig nila o di kaya ay nakalagay ito sa kanilang ulo na kulang na lang ay gawin nilang sombrero. Ang iba naman ay ginagawa itong palamuti sa kanilang katawan. Tulad na lamang ng mga mananayaw, minsan ay makikitaan natin sila ng iba’t-ibang makukulay na panyo na nakasabit sa kanilang braso, binti, o di kaya ay nasa bandang leeg pa. Ang iba naman sa atin ay gumagamit ng payo upang makapag bigay aliw sa ating kapwa. Halimbawa na lamang ay ang mga payaso na nagpapasaya sa mga bata sa tuwing may nagaganap na kaarawan. Hindi lamang mga payaso ngunit maging ang mga salamangkero ay gumagamit rin ng panyo sa pagbibigay ng aliw sa mga nanonood sa kanila. Karaniwan sa kanila ay gumagawa ng mga tricks sa tulong na rin ng makukulay na panyo. Kapag tayo ay malungkot o umiiyak, ito ay nagsisilbing pamunas ng luha at minsan pa nga ay ginagawa na rin itong singahan. Marami tayong pwedeng gawin kahit na sa isang simpleng panyo lamang. Kahit ito’y napaglumaan o nadumihan na, maaari pa rin itong magsilbing basahan. Kaya kapag nakapulot tayo ng panyo, wag natin itong baliwalain, sayang eh =)
tirador ka ng panyo hahaha
TumugonBurahin--john
HAHAHA. elibs ka naman john..
TumugonBurahin-gEL