Mga Pahina

Lunes, Setyembre 5, 2011

IBA'T - IBANG KLASE NG PAG-UPO ni Angelo Cruz

Hay nako! Ang mga Pilipino talaga, hindi ba tayo tinuruan ng tamang asal? O sadyang matitigas lang talaga ang ating mga ulo? Ayon sa mga nakikita ng aking malilikot na mga mata, karamihan sa mga Pilipino ngayon ay mayroong iba’t-ibang klase ng pag-upo. Maaaring ito ay naaayon sa panahon, okasyon, lugar o di kaya sa iba ay wala lang, kanya-kanyang trip lang basta maka upo. Narito at nagbigay ako ng ilan sa mga sitwasyong kinasasangkutan ko at ng mga taong may “natatanging upo” na aking nakasalamuha:

Sa sala:

Iilan na nga lang ang sofa, gusto pa nila ay tig-iisa sila. Talagang “feel at home” ika nga. Mayroon din namang kung maka upo, pati dalawang paa ay nakataas pa. SARAP NG BUHAY MO TSONG! Pag may okasyon, syempre ayos upo din. Nakakahiya naman sa mga bisita eh. Pero, the best pa rin talaga yung halos humiga ka na sa kinauupuan mo. Samahan mo nalang ng unan at kumot, pwedeng pwede ka nang matulog.

Sa bahay ng kaibigan:
           
     Sa una, akala mo kung sinong napaka bait na bata. Nandyan pa kasi yung kamag-anak nung kaibigan. Pero pag kayo-kayo na lamang, hala sige kung maka upo kala mo siya ang may ari ng kinauupuan. Meron din namang parang nasa lata na ng sardinas. Kung makipag siksikan, di bale nang masikip maka upo lang. Minsan naman, sa sahig ka na nga lang nakaupo, sasabihan ka pa ng “uy wag ka ngang humarang dyan sa daanan!” Wow ah? Ikaw na nga tong may inuupuan, ikaw pa tong demanding.

Sa jeep:

     Akalain mo nga naman! Pati ba naman sa jeep, pinapansin pa! Minsan, kapag maluwag pa sa loob ng sinasakyan mong jeep, makikita mo yung kasama mo malawakan kung bumukaka. PUNIT!!! Kapag puno naman yung jeep na iyong sinasakyan, yung drayber sige pa ng sige basta may kikitain! Kulang na lang magpaupo siya pati sa driver’s seat. Eto namang pasahero, alam na ngang siksikan na, makikisiksik pa. Kung ikaw ay papalarin, hita mo pa yung mauupuan. Ayos di ba?



Sa tricycle:

Mga kadalasang nangyayari kapag ikaw ay nasa loob ng tricycle.

Kapag solo: gawin mo na ang lahat ng klaseng upo na gusto mong gawin. Syempre solo mo eh, sulitin mo na. Pag may sumakay pang pasahero, tapos ang kaligayahan mo.
Kapag may kasama: iritang irita ka sa katabi mo, parehas lang kayong nagbabayad, bat tila’y mas malawak ang sakop ng kanyang kinauupuan. Lalo na pag barako ang iyong makakatabi.



Iilan lamang yan sa mga klase ng upo na maaari mong makita. Marami pang iba dyan, malay mo hindi mo lang napapansin.

Ikaw, pano ka ba umupo? :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento