Ibat-ibang inuming Pinoy
Mahilig ang mga pinoy sa mga party, may mga mag aaya at kung suswertehin ka, libre pa nila kaya’t ewan ko nalang kung makatatangi ka pa. Syempre hindi mawawala ang mga ibat ibang inumin mapa simple o mapa garborng salo salo man yan at narito ang ilan:
Mahilig ang mga pinoy sa mga party, may mga mag aaya at kung suswertehin ka, libre pa nila kaya’t ewan ko nalang kung makatatangi ka pa. Syempre hindi mawawala ang mga ibat ibang inumin mapa simple o mapa garborng salo salo man yan at narito ang ilan:
Juice - eto yung mabibile mo sa kahit anong tindahan, ewan ko nalang kung tindahan pang matatawag ang hinde nag bebenta ng produktong ito. Juice ang madalas inumin ng mga babaeng hinde umiinom ng alak pero sa totoo lang eh, gustong gusto na nila uminom ng alak yun nga lang ayaw nila ng lasa. Ano yun ?
Matador/ Emperador lights – di pa ko laseng !!! yan ang madalas sabihen ng mga mangiginom pero sa totoo lang eh hilong hilo na sila. Panung hinde ka mahihilo eh hard tong tinitira mo ! Madalas tong inumin ng mga tatay pam patulog pero sa panahon ngayon, mas madalas natong inumin ng mga anak nila ngayon pam pasarap ng tambay sa gabing malumanay.
Jin(kwatro kantos o yung bilog) – malakas pa kaya ang uminom nito kahit last 10 years pa lang ? Nakakasunog daw ng baga to .. grabe astig ! Eto rin yung madalas inumin ng mga mag babarkadang kinakapos ang bulsa. Minsan hahaluan nila ng kalamansi juice para mas masarap.
Red horse – may kakilala akong mag kakapatid na pag nag bibirthday eh eto lage ang trip nila. Eto rin kasi yung inuming pang matagalan na pagkatinamaan ka eh mapapakanta kana, F na F mu pa. Aba mga galante rin ang nag papainom nito sa birthday nila, case case kasi ang bibilin nila malaseng lang ang mga bisita at para maging Masaya ang party nila.
Wine – may ibat-ibang lasa ng wine na natikman ko na matamis, maasim, may lasang grapes at may matatapang. Mas sasarap ito kung lalagyan mu ng maraming yelo. May mga gantong inumin sa mga mamahalin at magagarbong restaurant. Dito ka rin makakakita ng mga nag dadate na galante at kung may balak kang tularan sila eh maghanda ka dahil katulad ng mamahalin at magarbong restaurant eh sing garbo rin ang iyong ibabayad.
Alco-mix drinks – matatawag mu rin itong “ladies drink”, dahil konti lang ang alcohol content nito. Eto yung mga inuming pinaghahalohalo para makabuo ng bagong lasa tulad ng nkikita mo na ginagawa ng barista sa mga bar na gimikan na hinde ko pa napupuntahan tsk. Masayang mag party party rito lalo na pag marami kayo, may DJ at malalakas na soundtrip na talagang mapapasayaw ka kahit na may pilay ka pa.
Ilan lang yan sa mga inuming tinatangkilik ng mga Pinoy. Masarap mag party party habang nag iinuman pero laging tandaan hinay hinay lang dahil masama pag nasobrahan. Ingat ! :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento