Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Sino Ang Dahilan ng Pagtawa NIYA? by Beverlyn Alegrado

 Sa blog na ito'y ipinapakita ko kung ano ang dahilan bakit hindi dapat tayo agad maniwala sa ibang tao kahit gaano mo pa siya kakilala.



Naiinis ako sa kanya tuwing nakikita ko siyang masaya kapag kasama niya mga kaibigan at mga kaklase niya pero pagdating na sa'kin, magkasalubong na mga kilay niya.

Pero ito ang nangyari..........

Lately, tuwing magkasama kami lagi siyang masaya, nakangiti, at madalas siyang tumatawa. Napansin ko ang pagbabagong iyon sa kanya, ngunit hindi na ako nagtanong pa kung bakit ganun nalang siya kasaya kapag kasama ako, baka kasi masamain niya lang ang tanong ko. Inisip ko'y ako marahil ang dahilan. Nasiyahan ako sa ipinapakita niya sa akin, ngunit makalipas ang ilang araw...

Nang binuksan ko ang facebook niya at nagbasa ako sa messages niya sa unang pagkakataon, mayroon akong nabasang nakakabwisit, nakakainis, nakakagigil at nakakapikong mensahe. Nabasa ko ang mga pinag-usapan nila ng kaklase niya, nung binaba ko pa ang scroll bar, tinanong siya ng kaklase niya, "Bakit hindi ata maalis yung mga ngiti mo?"(maski ang kaklase niya'y napansin na lagi siyang masaya) Sagot naman niya, "Nakatiny chat ko lang naman si _ _ _ _ _   _ _ _ _ _ _ _ _ _  . " "Sino yun?" ika ng kaklase niya. Nagsend siya agad ng link para makita ng kaklase niya kung sino yung babaeng yun. Binuksan ko rin ang link na pinakita niya sa kaklase niya, at sa pagbukas ko'y nawalan na ako ng gana.

Matapos kong mabasa yung pinag-usapan nila ng kaklase niya, napuno ako ng galit sa kanya. Tsaka ko lang napagtanto kung bakit ganun nalang siya kasaya, bigla-bigla siyang napapangiti, kapag tinanong ko siya,, "Bakit?" ang lagi  niya lang sagot ay "Wala" (habang nakangiti pa rin siya sa'kin)". Isang beses ang sinagot niya sa akin, "Hindi ba pwedeng ngumiti ako sa mahal ko?" (Kaplastikan lang pala)

Isa siyang malaking sinungaling at manloloko. Ang kasalanan ko lang nagpaloko naman ako. Isang malaking katangahan ko naman. Naniwala akong masaya siya kapag nakakasama niya ako, yun pala'y kalokohan lang niya iyon lahat.

Ang sakit ng ginawa niya! At ang kapal ng pagmumukha niya!

Kaya heto ngayon, hindi ko na siya pinaniniwalaan matapos ng ginawa niyang panloloko sa akin dahil kahit ilang beses pa niyang sabihin sa akin na ako ang dahilan ng pagiging masaya niya, kung kasalungat naman sa sinasabi niya ang pinapakita niya at pakitang tao lang ang ginagawa niya, walang dahilan para bumalik ang tiwala kong sinira na niya.

1 komento: