Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 2, 2011

"Krriinnngg" ni Michellyn Cazel Mangaoil



Paggising sa umaga, ito agad ang hawak-hawak
Sa pagtakbo ng oras, hindi ito mabitiw bitiwan
Maging sa pagligo, ito'y aking minsa'y dala dala
Isa na ito sa mahalagang bagay,
Sa pangaraw-araw kong pamumuhay

Hindi mapakali pag hindi ito hawak
Minu-minuto o segu-segundo,
Akin itong tinitingnan
Hindi hinahayaang mawalan ng karga,
Sapagkat umaga palang ay nakasaksak na

Hindi makatiis na wala itong LOAD
Umiisip lagi ng paraan
Na sa araw na matapos ang iyong UNLI
Ay may pera ka para makapag txt kang muli

Sa tuwing walang nakakaalala sa iyo,
Agad kang nagpapadala ng mensahe sa mga ka TEXT mo
Masaya ka kapag may pumansin
Badtrip ka kapag wala

Mahalaga ito sa aking buhay,
Sapagkat madali ko makakausap
Ang mahal ko sa buhay,
Na sa oras na akin siyang mamiss
Isang txt ko lang
Kanya na itong malalaman



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento