Mga Pahina

Sabado, Setyembre 3, 2011

Ang Mga Iba Pang Gamit Sa Asin Na Hindi Kadalasan Ginagawa Ni Mary Rocel Cabanlig


1.    Panglinis ng mga na bulaklak. Ilagay ang artipisyal na bulaklak sa isang lalagyan na may asin at takpan ang lalagyan at alugin ng alugin. Makikita na iba na ang kulay ng asin at malinis na ang artipisyal na bulaklak.
2.    Pangtangal ng mga tumutubong damo sa mga biyak na semento. Lagyan ng asin at ng mainit na tubig ang mga damong tumutubo o kaya wisikan ng asin yung mga tinutubuan ng damo, hayaan lang ng buong araw o haggang buong gabi tapos lagyan ng malimgamgam na tubig.
3.    Panglinis ng nahulog at nabasag na itlog. Kung ang itlog man ay nahulog sa sahig, lagyan lang ng kaunting asin kung saan nabasag ang itlog at hayaan lang sa loob ng 20 minuto. Pagkatapos, mas madali nang punasan kung saan nabasag ang itlog.
4.    Para malaman kung puwede pa ba ang itlog. Ilagay ang itlog sa isang basong tubig na may dalawang kutsaritang asin. Kung ang itlog ay lumutang ibig sabihin bulok na ang itlog, pero kung lumubog, ito ay sariwa/bago.
5.    Para patayin ang mga halamang ivy. Kailangan ng isang gallon na may pounds ng asin at ispray ito sa mga dahon at sa mga sanga nito.
6.    Panglinis ng sangkalan. Lagyan ang buong sangkalan ng pangpaputiat asin tapos kuskusin ito ng brush at banlawan ito ng mainit na tubig. Pagkatapos, punasa ito ng malinis na basahn.
7.    Panglinis ng mga patak mula sa pagkain ng kumulo sa oven. Yung mga patak mula sa pagkakulo ng pagkain, lagyan ng asin sa itaas ng patak na iyon, para matigil yung pag-usok at yung amoy. Kapag lumamig na yung oven, madali na tangalin yung mga patak ng pagkain.
8.    Panglinis ng mantsa sa kape at tsaa sa tasa mula china. Kuskusin ng may asin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento