Itong kuwentong ito ay base sa totoong kaganapan at hango sa karanasan ng aking kaibigang si Gael. Ang kuwentong ito ay umiikot sa mga pangyayari na madalas mangyari sa atin lalo na sa pagaaral o sa paligsahan. Si Gael ay isang matalino ngunit may kayabangan siya yung tipo ng tao hindi basta basta naniniwala ng walang basehan. Hindi siya kasipagan magaral ngunit palagi siyang seksyon 1 o 2 at kabilang siya sa math club members. Ito ay binuo upang mas hasain ang mga miyembro nito at upang mas humusay at mapili ang ipanglalaban sa ibang paaralan. Napasama si Gael sa mga my kakayanan upang ipang laban. Mas tumaas ang tingen ni Gael sa kanyang kakayanan at hindi marunung tumangap ng mga kamalian tingin niya sa sarili niya ay perpekto. Ngunit nagbago ang ganitong paguugali niya pagkalipas ng kompetisyon. Si Gael ay sinabak sa paligsahan ngunit siya ay nabigo. Napakasama ng loob niya at hindi niya matangap ang pagkatalo niya lagi niya sinasabi chamba lang yun o hindi naman sinisiraan niya na dinaya siya. Inget na inget siya sa nagwagi at hindi niya ito matanggap. Kinausap siya ng guro niya at sinabi hindi lang ikaw ang tao sa mundo ibig sabihin may mas magaling pa sayo at sa lahat ng mahusay ay laging may mas mahusay pa hindi dapat kaingetan o mangyayamot kundi dapat tangapin ang mga pagkatalo at gawin inspirasyon ang bawat pagkatalo dahil dito tayo nahuhubog at gumagaling sa bawat pagbagsak . Ano man ang ating kahinaan ay dapat mong paghusayan . Wag maingget dahil dapat marunung ka tumangap ng pagkatalo hindi tamang manira para i-angat ang sarili sa pgbagsak kundi dapat maging positibo sa buhay . Sana sa kuwentong ito ay mapulot tayong aral at inspirasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento