Sabi nila
· Pag IT ka Magaling ka
· Pag IT ka Marami kang pera
· Pag IT ka Maingay ka
· Pag IT ka mabilis ka makakuha ng trabaho
· Pag IT ka magaling ka sa logic
· Pag IT ka sigurado sa abroad ka
Pero,Ngunit,Subalit,Datapwat sabi lang nila yun e ang mga IT kaya? Ano ang kanilang masasabi?
Sabi ng mga IT
· Hindi porket IT kami magaling na kagad kami sa lahat
· Hindi porket IT kami mabilis na kami kagad makakuha ng trabaho
· Hindi porket Mahilig kami sa Kompyuter magaling na kami dun malay niyo sa laro lang pala
· Hindi porket IT kami makakapagabroad na kami kagad
· Hindi porket IT kami magaling na kami sa logic meron rin ibang hindi naming kaya sagutan
Maraming estudyante ang kumuha ng kursong IT ngayon bawat isa ay may iba’t ibang
Layunin kaya ito ang kinuha.
· Ang iba para Mabilis makakuha ng trabaho pag ka graduate nila
· Ang iba ay para makapagabroad upang malaki ang kitain
· Ang iba trip lang dahil hahilig talaga sila sa Kompyuter
Pero,Ngunit,Subalit,Datapwat ang pinakacommon sa lahat ng karamihan ay ang salitang napilitan
lang sila. Hindi nila ito ginusto, hindi sila masaya dito sa kursong ito. Ngunit sinabihan sila ng
kanilang magulang na ito ang kunin. Marahil sa isip nila magaling ang anak nila sa paggamit ng
kompyuter dahil ito ang lagi niya gingawa sa tuwing nakikita nila. Hindi lang nila alam kaya ganun
na lang kung makagamit ang anak nila sa kompyuter dahil may nilalaro ito.
Marami akong kilalang IT na ganito ngunit huli na ang lahat para magpalit ng kurso. Una sa lahat
Sayang ang pera, Pangalawa Sayang pa sa oras kaya heto nagaaral nalang ng mabuti upang
Makapagtapos at Maging maayos ang buhay.
IKAW ANONG COURSE MO? IT KA BA?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento