Pilipino no.1: Mga Pilipinong drayber ng jip at konduktor ng bus. “Manong sa tabi na lang po” Sabi ng drayber ng jip o konduktor, “ Dito na lang?” Putcha! Mapapasagot ka talaga ng “Hindi Ho! Dun pa sa malayo!”. Pilipino nga naman di ba?.
Pilipino no.2: Mga Pilipinong estudyante na tinatanong ng guro. Guro: “Anong pangalan mo?” sagot ng estudyante, “name ko po?” Tang-inis talaga! Sagot ng Guro, “Hindi! Yung pangalan ko!”. May pagka Pilipino talaga eh.
Pilipino no.3: Mga Pilipinong bibili ng gamot sa tindera ng pharmacy. Pilipino:“Pabili nga ho.” sagot ng tindera “Ano pong bibilhin?” Bwisit!! “Bibili Ako ng Isda!! Yung Tilapia!” Hay nako. May pagka-Pilipino nga naman eh.
Pilipino no.4: Patawid ng kalsada at ang senyas ng trapik enforcer. Sumenyas na ang trapik enforcer na tatawid na., Sumenyas din ang Pilipino, at tinanong “tatawid na?” Kainis!! Kulang nalang sabihin ng trapik enforcer “Hindi! Magpapasagasa na!”. haha!
Pilipino no.5: Bibili ng damit nagsusukat at kausap ang saleslady. Pilipinong bibili ng damit,”Miss sakto lang ba yung sukat ng damit na ito?” saleslady, “Ahm, para kanino po?” Ano ba yun!! “Hindi miss! Para sayo talaga! Sinusukatan kita! Para sayo!” Nakakatuwa talaga mga Pilipino di ba?
Pilipino no.6: Boss ng kompanya at ang empleyado. Boss, “Paki-bigyan naman ako ng kopya nito importante na kasi.” Empleyado, “Ah sir, ngayon na po ba?” Boss,”Ay Hindi! Mamaya pa! Bukas pa! Sa isang Linggo pa! Sa sunod na buwan pa! hindi naman kasi importante yan eh!” Haha! Kung ikaw ba naman ang Boss maiinis ka eh di ba.
Oh di ba? Nakakatuwa talaga tayong mga Pilipino eh. Minsan naiisip ko na kakaiba talaga tayo eh, Mga tao tayong masasaya kasama lalo na sa kalokohan. Lahat ng meron sa atin ay regalo para sa ating mga sarili gamitin natin ng maayos. Haha!
Baket ka nga ba pilipino?
TumugonBurahin