Mga Pahina

Martes, Setyembre 6, 2011

Maghihintay Ako,,, ni Emmelyn Marasigan

Bata pa ako ng makilala kita,
Naging magkapitbahay pa tayo sa probinsya.,
Mas matanda ka sa akin ng konti,
Kaya maraming salitang nababanggit na di ko mawari..  

Nagtapat ka sa akin isang umaga,
Sabi mo,. nahulog ka sa’kin
Na di mo inaasahan na mangyari,
At bumilis ang pintig ng puso ko,..
At sa pagiging madaldal napatahimik mo ako..

Sa di inaasahang pagkakataon nahulog din ako sa’yo,
Walang araw na lumipas na hindi kita naaalala.,
Bawat oras, minuto at segundo ay na’ron ka sa puso ko.,
Kaya anung lungkot ko nang malamang umalis na ang pinakamamahal ko..

Puno ng panghihinayang ang puso ko,
Pero may nakarating na sulat mo,.
Na nagsasabing mag-aaral ka sa ibang lugar.,
Na gagawin mo ‘yon para sa kinabukasan nating dalawa,,
At nangakong babalikan ako..

“Maghihintay ako”,, i’yon ang nasabi ko sa sarili ko,
Kasi alam ko na mahal mo din ako,.
Nililihim man natin sa i’sat-isa,,
Pero alam ko parehas tayong lumuluha ang puso kapag nag-iisa..  

Asan ka na nga ba ngayon?, i’yon ang palaging tinatanung,,
Maghihintay ako hanggang sa bumalik ka.,
Tatanggapin ko lahat basta maging magkasama tayo,,
Kahit sino pa ang humadlang hindi ko papayagan..

Nasaan kana tapos na ako sa aking pag-aaral,.
Pinanghahawakan ko pa rin ng pangakong babalikan mo ako,.
Ngunit nasaan ka, may iba na ba?

Dumating ka na daw sabi ng ilan.,
Pero hndi ako naniniwala hanggang hindi kita nasisilayan..
Hinanap at pinuntahan kita sa lahat ng lugar, sa bahay, sa paaralan,
 sa palengke, sa lahat na pwede mong puntahan,,
ngunit wala ka din,,

Napaupo ako sa isang tabi at hindi namalayan ang.,
Luhang tumulo sa aking mga mata dahil sa kanya.
Napag-isip-isip ko na may panahon pa, wag sayangin ito,,
Kaya nagpatuloy ang buhay ko na pinanghahawakan ang,,
Pangako ng mahal ko kaya,,,

“Maghihintay Ako”,,,,
  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento