Panu nga ba ang Planking ? At panu ba ito nagsimula ?
Ang Planking ay isang aktibidad na kung saan ay kailangan mong dumapa ng tuwid na tuwid at walang kagalaw-galaw na parang bangkay, nakapatong ang noo at ilong sa lupa at nakalagay ang mga kamay sa tagiliran. Mas kakaiba yung lugar mas astig .
Sinasabi nilang ang nagimbento daw ng Planking ay ang komedyanteng si Tom Green noong 1990, at may pruweba daw siya . May mga nagsasabi namang nagmula daw ito sa England o Australia noong mga bandang 1997. At siyempre nauso na ito sa Pilipinas .
E anu namang kabutihan ang naidudulot nito sa lipunan ? WALA . Pero hindi ko alam kung bakit maraming gigil na gigil dito . Nakakasakit ba ito ng tao ? Hindi. Kinukuha ba nila ang pera mo ? Hindi . Pinipigilan ba nila ang pagdodota mo ? Hindi rin. In short walang basagan ng trip. Wag munang husgahan ang isang bagay na hindi naman lubos na naiintindihan .
Senseless act of beauty ika nga . Mula sa pagiging isang laro . May mga taong itinuturing itong isang sining. Pwede itong tignan bilang isang uri ng Counter-Culture. Isang ekspresyon laban sa mga tinakdang kumbensyon ng lipunan.
Pagkatapos kaya nito ? Anu naman kaya ang susunod ?
K.
TumugonBurahinhahaha