Mga Pahina

Martes, Setyembre 6, 2011

Mga Uri ng Pasahero sa Jeep ni Niño Lazaro

Sabi nga nila, napakaswerte daw ng mga tao, Pinoy man o banyaga na nakakasakay sa jeepney. Sapagkat di lamang sila sumasakay sa isang ordinaryong pampublikong sasakyan, kundi sumasakay sila sa isang buhay na kultura nating mga Pilipino. Ang sasakyang ito ang naghahatid sa atin sa araw araw na ginawa ng Diyos, kung saan man natin gusto o balak na pumunta. Nabasa nyo na ang pasaherong pinoy, eto ang bersyon ko ng mga uri ng mga pasahero:

ALLERGIC SA DRIVER - Sya yung pasahero na makikipagpatayan para sa pinakahuli o dulong upuan. Iisip ng pinakaepektibong alibi para umusod yung nakaupo doon. Kesyo, malapit lamang ang bababaan nya or imbalido amputa. Allergic sa katotohanan na kapag mas malapit ka sa driver, automatic…ikaw ang accidental konduktor.

SI MONKEY ANABELLE - Si Monkey Anabelle yung effort sa pagsabit sa naturang jeepney kahit na kasya pa naman ang kalahating dosenang pasahero sa loob, pag pinapasok ng driver, Ok lang daw sya dun sa labas. Palibhasa menos sa bayad pag ganun. Pero sa panahon ngayon, endagered na si Monkey Anabelle. Bawal na kasi sumabit.

AUTO KONDUKTOR - Sya ang counterpart ni Allergic sa driver. Pinaka dehado sa lahat ng dehado. Palibhasa sa unahan umupo, kaya tuloy ang agos ng salapi ay dadaan sa kanyang mga kamay bago sa driver. Silip lang ng konti sa bintana, may bago na namang pasahero. Alert na agad si Auto Konduktor sa pag abot ng bayad. May dalawang uri ng Auto - Konduktor:

AUTO KONDUKTOR na mabait - Sya yung tanggap ang kalagayan nya na walang ibang pwedeng mag abot ng bayad sa driver kundi sya.

AUTO KONDUKTOR na mataray - Sya yung iritableng iritable kapag maya’t maya eh kinulit sya ng kinulit tungkol sa putanginang “Paabot po ng bayad!!!” at kulang na lang eh sagutin nya ng “OH EDI IKAW! ANO AKO? KONDUKTOR???”

JEEP MO TEH? - haha. Pwedeng dalawahan, pwedeng grupo, barkadahan, at isang batalyon ng pasahero na walang ibang gagawin sa loob ng jeepney kundi ang mag-ingay. magdaldalan na animo’y sila yung umarkila ng jeep at props lamang yung ibang pasahero sa loob. haha.

TMZ - Si TMZ yung tipo ng pasahero na kunyari dedma sa pinag uusapan nina Jeep Mo Teh? pero ang totoo…maiiging nakikinig sa kanilang usapan. Tsismosang pailalim. haha.

REKLAMADORA THE EXPLORER - Sya yung maya’t maya na lamang eh nagreklamo. Kesyo masikip. Kesyo ang tagal umandar ng jeep. Kesyo kulang ang sukli. Kesyo ang ingay ng katabi. Kesyo kaskasero ang driver. Kesyo pangit ang preno. Lahat ng reklamo sa mundo binuhos sa jeepney na kanyang sinasakyan. haha.

123 - Poorita. Walang pambayad. Minsan walang wala talaga. Minsan trip trip lang.

PERV - Karaniwang kalalakihan ang populasyon na bumubuo sa mga perv na pasahero. Sila yung palingon lingon sa espisipikong pasahero ng jeep. Minsan sa katapat, minsan sa katabi. bakit lumilingon? Minsan maganda kasi, kalimitan, sexy at binobosohan ng tingin. Sa mata ni Perv, hubad ang katabi o kasakay nya. At ninanamnam nya ang bawat sandali hangga’t di pa sya pumapara.

NO READ - Mga No read, sila yung mga anak ng tokwa na maninigarilyo sa loob ng jeep kahit na nagsusumigaw sa loob ang sign na “NO SMOKING!” at yung nagbabayad ng mas mababa pa sa minimum fee kahit pa nagsusumigaw ang sign na “MINIMUM FARE IS 8php!!!”

CHOOSY - Pilian sa katabi. Kahit masikip sa side na yun ng jeep, doon uupo makatabi lang yung natipuhan nyang pasahero. naniniwala sila sa destiny. hahaha

LAKING AIRCON - Gusto nila, laging katabi ng driver. kasi sa tabi ng driver pinaka maaliwalas umupo. Walang katabi, walang mag aabot ng bayad, abot kamay ang pag aabot ng bayad sa driver at ang pinaka importante, mahangin at presko. Laking aircon kasi amputa.

ULYANIN - Madami na akong nakasakay o nakasabay na ulyanin. haha. Sila yung tipong papara ng jeep, sasakay, magkakalkal ng bag tapos biglang sisigaw ng “para!” tapos bubulong ng “shet! may naiwan ako!” hahaha

FILTHY RICH - Filthy rich yung mga tipong lakas maka porma, feeling artista, maarte kumilos, may accent sa pagpapaabot ng bayad like..”manuhng, paabot ng bayad please…like, eto oh!” Kung makaasta eh akala mo may ari ng Lamborghini, NAKASAKAY NAMAN SA JEEP!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento