Sa tuwing lunes at miyerkules ayokong pumasok ng unang klase ko sa paaralan dahil galit na galit ako sa aking propesor sa oras na iyon, alam mo kung bakit? kasi naman hindi ko mawari ang kanyang ugali. Nasusuklam ako sa tuwing makikita ko ang kanyang mukha na kamukha ni Aiai delas alas at kapag nagsimula na siyang magsalita ako ay nangigigil.
Sa tuwing sinasabi niya kasi na may bagong aralin ang kanyang mga ipinapaliwanag ay paulit-ulit lang rin kaya naman ako ay naaasar dahil wala akong natututunan sa kanya. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanyang isipan, kung yun ba talaga ang paraan niya sa pagtuturo paulit-ulit o talagang may sayad lang siya at kung anu-ano na lang ang nais niyang sabihin upang masabi lamang ng kanyang mga estudyante na siya ay nagtuturo.
Isa pang kinaiinisan ko sa kanya ay sa tuwing kami ay may pagsusulit ang unang-una niyang panuto ay isulat muna ang mga tanong sa aming papel bago namin ito sagutan ngunit bakit ganoon? Pag natatapos niyang sabihin ang mga tanong sasabihin niya naman na mayroon na lang kaming dalawampung segundo upang sagutin ang aming pagsusulit grabe NAKAKALOKA. Hindi ko tuloy nasasagutan ng maayos ang aking pagsusulit kaya naman ang baba ng nakuha kong marka sa aking unang pagsusulit ngunit dahil alam ko na na ganoon pala siya magbigay ng pagsusulit hindi ko na lamang inilalagay ang mga tanong sagot na agad.
Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat, sa paraan ng pagbibigay niya ng marka o grado sa kanyang estudyante para siyang nanghuhula hindi ko alam kung siya ay nasa tamang pag-iisip pa. Dahil ang pagbibigay niya ng grado ay mababa pa kesa sa lungga ng mga daga. Halos ibagsak na niya kami at ipamukha sa amin na hindi kami kailanman makakakuha ng mataas na grado sa kanyang klase grabe NAKAKALOKA.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, minsan ako ay nagagalit ng patago dahil kapag ito ay ipinakita ko sa kanya siya ay magagalit at ipipilit niya lang ang kanyang gusto dahil sa kanyang pananaw siya lang ang TAMA at wala ng iba pa na nilalang sa mundong ibabaw. Paano ako magkakaroon ng interes na maging masigasig sa kanyang klase kung ganyan ang kanyang asal parang lahat ng pinaghihirapan mo ay mapupunta sa wala dahil sa propesor ko na ito na lukaret.
Ang hirap niyang intindihin minsan ipinagdadasal ko na lang siya sa Panginoon seryoso sinasabi ko n asana magkaroon ng kaliwanagan ang kanyang pag-iisip Para kasi siyang “trying hard” kung magturo. Naiisip ko nga minsan paano kaya ito naging propesor UNBELIEVABLE haaay ewan ko ba. Kung sa tingin niyo napakasama ko na estudyante dahil sa mga pinagsasabi ko, wala naman akong magagawa kung yan ang nararamadaman ko tungkol sa kanya. Hindi ko na kasi maatim ang kanyang mga ginagawa. Sana naman Makita ko ang pagbabago sa kanya baka lang may mangyaring HIMALA. Haaaay sana talaga
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento