“Mga kababayan ko
Dapat lang malaman nyo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay pilipino
Kung may itim or may puti
Mayron naman kayumangi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang yung minimithi”
Dapat lang malaman nyo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay pilipino
Kung may itim or may puti
Mayron naman kayumangi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang yung minimithi”
Ang sabi nga ni Francis M sa kanta niyang “Mga Kababayan”. Ngunit hindi lang dahil sa kayumangging balat kilala ang mga pinoy. ang mga sumusunod ay mga palatandaan na isa kang pinoy.
Kinakain mo sa almusal ay mainit na kape at bagong lutong pandesal, minsan pa nga ay
isinasawsaw mo ang pandesal sa kape.
Nakakain ka na ng penoy at balut.
Bumibili ka ng Kakanin o hindi kaya naman ay Taho tuwing simbang gabi.
Handaan sa Fiesta ay lechon.
Bumibili ka ng fishball, kalamares, isaw, scramble at iba pang tinda sa daan.
Nung bata ka pa ay pinapapak mo ang sachet ng Milo.
Sabik ka sa Snow.
Tawag mo sa Junk Food ay “Tsitserya”.
Alam mu ang BrickGame at Tamagotchi.
Kumakain ng tuyo, hindi naman kaya ay puto na kapares ay dinuguan.
Kapag may tinuturo ka ay nguso ang gamit mo.
Kapag dadaan sa mga naguusaap ay ang mga kamay mu ay magpraying position at sabihin mong “Padaan po”
Nagsasabi ka ng “Po” at “Opo” bilang paggalang.
Nung bata ka kapag nasa mall ka naglalaro ka ng hindi lalagpas ang paa mo sa guhit ng tiles.
Ang pangalan mo ay pingahalong pangalan ng papa at mama mo, Ang unang letra ng pangalan
ninyong magkakapatid ay pareparehas, at ang Nickname mo ay inulit lang, halimbawa, Len-len, Ton-ton.
Alam mo ang larong Batohan bola, patintero at sipa.
Nung bata ka pa ay naliligo ka sa batiya.
Nung bata ka pa ay nagkaroling kayo sa isang bahay tapos” piso lang ang ibinigay at imbes na “Thank you, Thank you ang babait ninyo” ang kantahin, “Thank You, Thank You ang babarat ninyo” ang kakantahin at sabay sabay na tatakbo dahil pinakawalan nila ang aso.
Ginagawa mong salamin ang bintana ng kotse o Makita mong pwedeng pagsalaminan.
Tinatawanan mo ang iyong mga problema.
Pinapalaman mo ang Ice Cream sa Tinapay.
Aapakan mo ang bagong sapatos ng kaibigan mo at sasabihing "Binyagan na yan ! " minsan pa nga kakantahin mo pa.
Mahilig mangalok ng pagkain.
Kumakain ng nakakamay.
Ang pagbati mo ay pagtaas-baba ng kilay mo o di kaya ay ulo.
at huli, Halatang Pilipino ka kung ang ilong mo ay pango !HAHAHA J
Nung bata ka pa ay pinapapak mo ang sachet ng Milo haha natawa ako dito
TumugonBurahin