Mga Pahina

Lunes, Setyembre 5, 2011

"Pag-ibig Na Tunay" ni Lexbert Abad

Bakit puso at isip ay magka-iba
kahit na katawan natin ay iisa.
Ang pagmamahal ay puno ng sorpresa
magka-ibang bagay, ginagawang isa.

Pag-ibig talaga'y makapangyarihan
kung ang pundasyon ay pagkakaibigan.
Wala nang sasarap pa sa nagmamahal
wala nang sasakit pa sa iwan ng mahal.

Aminin na natin na walang perpekto
ngunit pag-ibig hindi papa-apekto.
Tiwala sa isa't-isa'y kailangan
nang tumagal ang inyong pagmamahalan.

O! kay sarap naman ng may minamahal
lalo na kung bigay pa ng Diyos Maykapal.
Pahalagahan at ingatan natin to
dahil isa lang ang nakatakda sayo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento