Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Move-On! ni Arlene Alim

Sabi nga nila. Friends can be Lovers but Lovers can't be Friends.

      Ang pinakamahirap at pinakamasakit na parte sa buhay ng isang tao ang mag-move on. Lalo na kapag sobra mong minahal ito. Minsan kapag nasa stage ka ng pag-momove on, yung ex mo andyan pa din pilit sinasabi na maging magkaibigan kayo pero hindi naman kasi ganun kadali yun eh, tapos minsan nakakakita ka pa ng bagay na nakakapagpaalala sa inyo ng ex mo. Mas lalong hindi mo siya kagad makakalimutan. Napakahirap :|

Eto ang mga tips para ikaw ay madaling makapag-move on.

Putulin mo ang anumang komunikasyon ang meron kayo.
 

Dahil kapag lagi kayong nakakapagtext, facebook, nagkikita o kung ano pa man. Malabo talagang makalimutan mo siya o ang nararamdaman mo sa kanya. At may pagkakataon pa na pwede uling mapalapit ang loob mo sa kanya.

Maghanap ng ibang mapagkakalibangan. Maging busy. Magliwaliw.

Sa pagpunta sa Bars, Malls, o paggawa ng iba’t ibang activities tiyak wapakels ka kay Ex. Syempre, magiging abala ka, hindi mo siya masyadong maiisip.

Makisalumuha sa ibang tao, sa iyong pamilya o sa kaibigan.

Aminin, nung ikaw ay may boyfriend/girlfriend pa ang ibang taong nagmamahal sayo ay hindi mo na masyado napagtutuunan ng pansin, puro lang si boyfriend or si girlfriend. Pero ngayon subukan mong makipagbonding sa kanila, sabihin mo ang iyong saloobin tiyak matutulungan ka nila.

Magpaganda/Magpapogi

Wag mong ipakita na depressed ka, mag-ayos ka. Malay mo may pumalit sa kanya. Hahaha!

Magdasal ka

Ito ang pinakamabisang paraan para ikaw ay makapag-move on. Magdasal ka lang tiyak tutulungan ka ng Diyos.

----
Wag mong ipakita na Bitter ka. Cheer Up Bro! Hindi lang 'sya ang tao sa mundo, madami pang iba. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento