Marahil marami sa inyo ang nagtataka kung bakit ang dalas kong wala, kung minsan papasok at biglang mawawala.at kung minsan tuloy tuloy ang pagka wala o ang pagka liban sa klase.At marahil yung iba iniisip "NAGLALAKWATSA LANG YAN, NAHATAK NA NAMAN SIGURO" pero sana nga ganoon lang ang mga nangyayari sa akin.
Hindi ako handa magpakilala,Hindi ako handa para kaawaan ng iba,Hindi ako handa sagutin ang mga bawat katanungang magmumula sa inyo o sa iba pang tao,at hindi pa rin ako handa umiyak sa harap ninyo.
Kung kaya't dadaanin ko nalang dito ang aking paliwanag. Ito ay walang bahid ng anumang kasinungalingan.
Minsan na akong dumaing sa mga kaibigan ko, yung iba sinabi "naku, baka beke yan" at ang iba "baka ngalay lang yan." pero isa,dalawang araw na ang lumipas meron paring sakit na hindi ko maintindihan.Kung kaya't sinabihan na ako sa amin na "pagpasok mo wag mo kalimutang dumaan ng clinic baka kung ano na yan."Kung kaya bago ako pumasok sa klase, dumeretso na muna ako sa clinic, at ang sabi "MUSCLE PAIN LANG YAN" at binigyan ako ng alaxan fr. pero hindi parin nakuha sa gamot,kung kayat ang bawat sakit ay sumasabay sa bawat pintig ng aking mga pulso sa leeg. At muli akong bumalik sa clinic, pero andun na ung pagdududang "HINDI LANG TO MUSCLE PAIN" pero pinilit parin nila na "MUSCLE PAIN NGA LANG TO" at pinaoras sa akin ang pag inum ng alaxan fr. pero isang linggo na ang lumipas, eto parin ung sakit, at ang matindi pa rito NAMAGA NA ANG LEEG KO, at pati ang kabilang parte ng leeg ko SUMAKIT NA. Kaya pati pamilya ko sobra na nag-alala, sinubukan ko humingi ng REFERRAL LETTER sa clinic upang magamit ang benefit ko bilang estudyante ng ating eskwelahan, pero hindi nila ako binigyan, ang tanging binigay sa akin ay panibagong gamot at may binitiwang salita na"ANG BILIS NAMAN,SA LUNGS KASI YAN,PERO HINDI KA NAMAN KABILANG SA MAY BAD RESULTS" at "BAKA TB YAN". Sinabi ko sa amin yung sinabi ng doctor sa clinic pero hindi ko pinaniniwalaan na "MAY TB AKO SA BAGA"pero ilang araw na ang lumipas mas tumitindi ang sakit, halos hindi ko na magalaw ang leeg ko.at may ibang tao nagsabi baka "KANSER YAN" dyan ako sobra natakot.walang gabi na hindi ako nangangamba at napapaiyak kapag naiisip ko yan.
Kaya napag-isip isip ng karelasyon ko ipatingin ako sa totoong doctor, at boom!
"hindi normal sa edad mo ang maraming kulani sa leeg, mag pa x-ray ka at biopsy, pwedeng TB SA KULANI yan o KANSER SA KULANI"
"aww.. sobrang bigat sa pakiramdam..bakit ganoon?" ang sabi ko sa sarili ko.
PERO NEGATIVE NAMAN NAGING RESULT NG X-RAY,medyo nakahinga na ko ng maluwag pero meron pang isa at yun ay ang KANSER SA KULANI.. pero hindi ako pina-biopsy dahil naninindigan ang pamilya ko na baka wala lang to. kung kaya dinala ako sa iba pang doctor at ang sinabi.
"CLEAR NGA ANG LUNGS NIYA PERO MALAKI POSSIBILITY NA TB SA KULANI YAN, PERO TIGNAN NATIN AFTER 1 MONTH KAPAG HINDI NAKUHA SA GAMOT BIOPSY NA." at sabay tanong ni mama "NAKAKAHAWA HO BA YAN DOC?" at sinabi "HINDI NAKAKAHAWA YAN, ANG NAKAKAHAWA YUNG TB SA BAGA" pero hindi parin alam kung ano ito, kaya sobra parin ako nananalangin na sana hindi ito kanser.
Sobrang bigat sa pakiramdam parang dati lang ang kutob sakin may diperensya puso ko dahil lagi ako nahihirapan huminga lagi ako namumutla. tapos ngayon eto naman mas matindi pa, bakit ganoon? ganto na ba ako kapabaya sa sarili ko? Kung kaya ganto nararamdaman ko,kaya ganto napala ko?
At ngayon, nabasa nyo na to, at marahil iba sa inyo alam kung sino ako, naway sana hindi na ninyo ibroadcast kung sinuman ako.
Hindi ako umaarte,totoo ang lahat ng ito..
kung makita niyo ako na hinahawakan ang parteng dibdib, yun ay dahil masakit ito at nahihirapan ako huminga.
kung makita nyo man akong namumutla, yun ay dahil mababa ang dugo ko.
kung makita nyo man akong hawak ang leeg ko, yun ay dahil sumasakit ito.
ninanais ko lamang na paniwalaan niyo ako.
kung naawa man kayo sa akin, favor wag nyo ipadama sa akin.
sobra na kasi ung awang nararamdaman ko para sa sarili ko.
ayoko na madagdagan pa.
... T.T ...
wag na ninyo ho alamin kung sino ako.Salamat :)
TumugonBurahinbaket??? sinu ka ba talaga.. para malaman namin...
TumugonBurahin