Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Tamis Sa Pait by Charmaine C. Poyaoan



        Tsokolate. Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang ito? Siyempre! Ito ay isang napakatamis na pagkain na nakakapagpasakit ng iyong ngipin sa tuwing ikaw ay kumakain ng sobra nito. Pwede rin namang pagkaing nakakapagpauhaw sayo dahil sa tamis nito.

      Para sa akin, ang tsokolate ang natatanging pagkain na hindi ko matanggihan kapag nakikita ko ito o kung may mag-alok man sakin. Kapag nasimulan ko na itong kainin ay patuloy ko na itong hahanap-hanapin. Sa tuwing mag-uuwi nga ang papa ko mula sa ibang bansa ng napakaraming tsokolate, ipinagdadamot ko talaga ito sa aking mga kapatid at mauubos ko ng hindi lalampas sa dalawang buwan. May milk chocolate, dark chocolate, at may almonds pa. Mahal ko ang tsokolate lalo na kung ito ay iyong milk chocolate. Pero nahihiwagaan pa din ako sa tuwing kakain ako ng dark chocolate.

        Ang dark chocolate ay may lasa ng pait at  tamis na nagbibigay ng kakaibang karanasan sa aking bawat pagkain nito. Gustung-gusto ko din ang matapang nitong lasa na di mapapantayan ng ibang tsokolate.

         Hindi lamang masarap ang dark chocolate. Ito ay may mga benepisyong nabibigay sa ating kalusugan. Gawa ito sa mga halaman na gaya ng mga berdeng gulay. Ang mga benepisyong ito ay mula sa flavanoids na kumikilos bilang antioxidant


        Kaya sa susunod na makakakita ka ng dark chocolate, bago mo isipin na sasakit lamang ang iyong ngipin sa pagkain nito ay alamin mong may mga magandang maidudulot naman ito sa iyong kalusugan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento