Mga Pahina

Huwebes, Setyembre 1, 2011

GUSTO KITA ni Jhammile Almeida


Gusto kita.
Gusto kitang makasama.
Gusto kitang makita.
Gusto kong marinig ang boses mo.

Gusto kong mahawakan ang mga kamay mo.
Gusto kong mayakap ka,
gaya ng pagyakap na nais kong maramdaman mula sa mga bisig mo.

Gusto kong maging akin ka.
Gusto kong maging sayo.
Gusto kong mahalin ka ng higit pa sa buhay ko.
Gusto kong iparamdam sa'yong mahal na mahal kita.

Pero alam kong Gusto ka niya at Gusto mo rin siya.
Kaya para hindi na ako masaktan pa ng sobra.
Mas gugustuhin ko na lang na layuan ka.
Kahit na sobrang gustong gusto kita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento