Mga Pahina

Lunes, Setyembre 5, 2011

alam mo ba ang feeling na... by: honey shane osuyos

Feeling #1: Alam mo ba ang feeling na sinabihan ka mag-ayos, eh di naka ayos ka, nag ready ka, todo ka sa porma ka pero sa kabilang bahay ng pala kayo pupunta. Ang matindi pa dun, makikiramay lang pala sa namatayan.

Feeling #2: Alam mo ba ang feeling na sinabihan kang bibili ng bagong phone, eh di excited ka, nung gabi palang hindi kana makatulog pero yung bibilhin pala yung pinakalumang model. Ang matindi pa dun, walang charger.

Feeling #3: Alam mo ba nag feeling na niyaya ka sa party, eh di todo paparlor ka, make-up ng bonggang bongga, bumili pa ng eye lashes na mahal, pero nung pumasok kana sa venue bigla kang binigyan kang mascara, ayun pala maskarade party. Ang matindi pa nun hindi bagay sa party damit mo.

Feeling #4: Alam mo ba ang feeling na pagod na pagod ka, gusto mo pagpahinga, gusto mo matulog, gusto mo walang ingay pero sa araw pala na yun kaarawan pala ng kapatid mo, eh di ang ingay ingay sa bahay niyo, daming isturbo. Ang matindi pa dun over night silang mag paparty party.

Feeling #5: Alam mo ba feeling na gustong gusto mo ang bagay na yun, pangarap mo yun bilhin mula pa nung bata ka, parang pakiramdam mo pag meron ka nun ang saya saya mo na, pero ayun pala hindi pweding bilhin. Ang matindi pa dun wala kang pambili.

Feeling #6: Alam mo ba ang feeling na nagtext yung crush mo na “I love you! Can you be my girl?” eh di yung ngiti mo hanggang tenga, kilig to the bones, tumatalon talon ka pa, binabasa mo paulit ulit pero nung last na binuksan mo ulit may nakalagay palang “pakisabi sa friend mo”… ouch dba?! Ang matindi pa dun nareplayan mo ng “I love you too!” J

Feeling #7: Alam mo ba ang feeling na nawalan ng cellphone?!, kabang kaba kana dahil hindi mo alam kung saan napunta, nahulog ba? Or kinuha? Pawis na pawis kana sa kakahanap, pero ayun pala tinago lang ng mga kaibigan mo para pagtripan ka. Ang matindi pa dun, pina iyak ka muna bago binigay. Tsk tsk…

Feeling #8: Alam mo ba ang feeling na pinapagalitan ka dahil napag bintangan kang kumuha ng gamit ng kapatid mo, yung mula umaga ikaw nasisisi, pero ayun pala nakita niya din sa sariling niyang cabinet. Ang matindi pa dun siya din pala nag tago nun dun. Hmmmmm!!!
                          
Feeling #9: Alam mo ba ang feeling na inis na inis ka, dahil nawawala yung hikaw mo sa jewelry box mo, yung hikaw na gagamitin mo sa party sa araw na yun, yung pinaka favorite mo sa lahat ng hikaw mo, inis na inis ka nun diba?! Pero ayun pala nasa tenga mo na pala. Ang matindi pa dun nilagay pala sayo ng nanay mo habang tulog ka palang. K

Feeling #10: Alam mo ba ang feeling na sinabihan ka magkikita kayo, nag aantay ka, mga dalawang oras na wala pa din, nagawa mo na lahat ng mapaglilibangan pero ayun pala hindi dadating. Ang matindi pa dun trip trip lang pala nung sinabe niyang magkikita kayo. Grrrrrr!!!

Feeling #11: Alam mo ba ang feeling na katext mo yung secret love of your life, eh di smile ka ng smile, kinikilig, mag-iisip ng magandang topic para hindi boring ang usapan at para mag reply pa, tanung ka ng tanung pero ayun pala hindi siya yun. Ang matindi pa dun girl friend niya pala yun. K

Feeling #12: Alam mo ba ang feeling na tuwang tuwa ka dahil natapos mo na yung blog mo, yung pinaghirapan mo, pag post mo akala mo matatawa ang iba ayun pala masama loob ng nila. Ang matindi pa dun pareho kayo ng pinost.

Feeling #13: Alam mo ba ang feeling na excited na excited ka, yung hindi ka maka tulog gabi gabi sa kakaisip kung ano mangyayari, yung nakapag plano kana kung anu-ano ang mga gagawin niyo, yung tipong naka impake kana, tapos biglang sinabi hindi pala matutuloy. Ang matindi pa dun sa araw mismo na gagawin niyo yun, tsaka lang sinabing hindi tuloy. Hmmmp!!!

Feeling #14: Alam mo ba ang feeling na nakasakay ka ng jeep tapos yung kaharap mo tumatawa mag-isa, tinitingnan mo yung ibang pasahero nakatingin din sa kaharap mo tapos biglang napatawa ka. Ang matindi pa dun hindi tawa na mahina lang as in may sound talaga. Tsk tsk… kahiya! J


>> >> Pag na iisip ko ang mga yun napapatawa nalang ako. Minsan nakakahiya diba?! Pero totoong nangyayari yun.

Ikaw alam mo ba ang feeling na yun? Na experience mo na ba yun? Nakarelate ka ba? Wag kasi tayong feelingera! J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento