Mga Pahina

Huwebes, Setyembre 1, 2011

Torpe ni Jaztine Cayabyab

Pag-ibig bakit ka lumapit?
Tignan mo ngayon ang puso heto namimilipit
Hindi ko masabi pawang napipipi
Nahihirapan ako sa sandaling kapiling


Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Dahil sa bawat pagpikit mukha mo ang nakikita ko 
Ngunit sa pagmulat nakikita ko ang totoo 
Hindi ko pwedeng sabihin ito sapagkat mag-kaibigan tayo


Hindi ko nais na ika'y lumayo
Mandiri sa akin at tumakbo kung saan man tutungo 
Kaya't itatago ko na lang ito sa aking puso
Pag-ibig, tama na nga ng dahil sayo ako'y nagiging makata

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento