Mga Pahina

Sabado, Setyembre 3, 2011

BARKADA ni Michellyn Cazel Mangaoil




Araw-araw, sila ang lagi kong kasama
Sa kulitan, tuksuhan, tawanan na di mapantayan
Ngunit minsan, dumadating din ang di pagkakaunawaan
Na hahantong sa hindi pagpapansinan


Iba iba ang aming paguugali
May maingay, masayahin, mabait at mapagpasensya
Isang ugali ang alam kong pagkakapereho namin
Yun ay ang masyado kaming madamdamin


May nasabi lan na hindi naman sinasadyang sabihin
Nagsisimula na ang pag-aaway 
Kailangan isa pa sa amin 
Ang unang magbibigay pasensya


Kapag ang nagktampuhan,
Ang magkaibigan na may mataas na pride
Panigurado pahirapan ang papansinan
Naghihintayan kung sino ang unang lalapit


Kahit magkagalit ang isa sa amin 
Magkakasama pa rin kami kahit saan man magpunta
Ganyan katatag ang aming samahan
Magkakaibigan kasi kaming tunay



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento