Araw-araw ay pangkaraniwan na sa mga tao ang paggamit ng transportasyon tuad ng pedicab,tricyce at jeepney. Ginagamit nila ito upang mapabiis at makatipid sa oras ang pag-punta sa isang lugar. Ngunit wala bga kayong isang bagay na napapansin na magka-pareho sa mga sasakyang nasasakyan niyo.
Matagal na akong estudyante at ngayon nga ay nasa kolehiyo na at iisa lang ang common na ginagawa ko pag papasok na ako ng skwelahan at yun ay ang pagsakay ko ng tricycle at jeepney.Siguro ay sa araw-araw na pagsakay ko ay masasabi kong tunay na relihiyoso ang mga pilipino. Bakit ko nasabi ? dahil halos lahat ng sakyan ko ay may nakasabit na rosaryo sa kanilang mga salamin sa kanilang harapan. Kung hindi man rosaryo ang makita ko ay tila may isang munting altar ito at may nakasabit pang mga sampaguita.Minsan pa nga ay kada papasada o aandar sila ay hahawak muna sila sa rosaryo o altar at magssign of the cross ng higit pa sa dalawa. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan uit-ulitin pa iyon, siguro kala nila hindi nakita ni Lord na nag sign of the cross sila.Sa tricycle naman ay may nakasabit na rosaryo sa loob ng sidecar o kaya sa kambyo ng motor.Ang lahat ng ito ay isa lang ang pinapakita ang pagiging maka DIYOS ng mga pilipino.
Ang disiplina ay likas na sa mga pilipino at lalo na ang kanilang pagkakaron na takot sa DIYOS . Sinesentro nila ang PANGINOON sa kanilang buhay kaya sila nag tatagumpay. Gaya nga ng kasabihay " nasa DIYOS ang awa nasa TAO ang gawa" kaya dapat tayo magsumikap at laging isipin ang Diyos sa bawat ginagawa natin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento