Anu-ano ba ang mga kaugalian at mga ginagawa ng mga bata noon?
At ano rin kaya ang mga bata ngayon?
Heto't tignan natin ang kanilang pagkakaiba.
Noon - mahilig maglaro ang mga bata sa labas ng bahay nila na tinatawag nating Outdoor games, tulad ng piko, tumbang preso, 10-20, tagu-taguan, habulan, langit-lupa, at iba pang pwedeng malaro sa labas ng bahay nila. Nagagamit nila ang kanilang katawan sa mga larong ito kahit na sila'y nasusugatan at nadarapa. Pero...
Ngayon - halos lahat ng bata ngayon ay tutok na tutok sa computer games, online man o offline games. Nahahawa sila sa mga mas nakatatanda sa kanila. Maraming bata ngayon ang naging tambayan na ang computer shop. Kapag wala pang bakante matiyaga silang maghintay para sila'y makapaglaro.
Noon - halos karamihan at hindi lumalagpas ng 9 pm matulog, maaga silang namamahinga. Yung iba ay umiinom pa ng gatas bago matulog. Pero...
Ngayon - umaabot na ng madaling araw bago matulog. Yung iba'y softdrinks pa ang pamalit sa gatas nila. Mas masaklap kung alak na.
Noon - gumigising ng maaga para makatulong sa kanilang magulang sa mga gawaing bahay. Pero...
Ngayon - daig pa ang patay sa tagal gumising kahit sinisigawan na'y hindi pa magising.
Noon - kayod dito, kayod doon. Pero ...
Ngayon - gastos dito, gastos doon.
Noon - kapag pumupunta sa tindahan, kendi ang binibili. Pero ...
Ngayon - inuuna pa ang sigarilyo kaysa sa pagkain.
Noon - sila'y madaling matuto ng good manners ang right conduct. Marunong rumespeto sa kanyang mga magulang, maski sa kanyang mga kaibigan at mga kalaro. Pero...
Ngayon - mas malutong pa sa crispy pata magmura. Magugulat ka nalang buong buo magmura kaysa sa mga matatanda. Makikita mo sila magkakaibigan nagmumurahan pero wala silang pakialam sa ibang taong makakarinig sa kanila. Hindi rin naman natin sila masisisi kung ganun sila lumaki, mayaman man o mahirap, kapag narinig nila ito sa iba, kusa nilang natutunan ito at sila na mismo ang gumagawa nito.
Hindi ko naman sinasabing lahat na ng bata ngayon ay ganito, karamihan lang talaga sa kanila. Ang iba'y naapektuhan ng mga mapanibagong teknolohiya at ang iba naman ay nahahawa sila sa mga taong mas nakatatanda sa kanila na dapat sana'y sila na mismo ang magturo sa mga batang ito.
Ngayon ba'y may naniniwala pa sa paniniwala ni Dr. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan"?
Pwede po magamit pictures para po s paggawa ng video lesson po salamat po
TumugonBurahin