may iba't iba taung nkakasalamuha sa araw araw nating pamumuhay. isa na don ang ating mga kapitbahay.
masasabi natin na sa araw araw na ginawa ng diyos nakakasalamuha natin ang mga taong ito:
CHISMOSA/CHISMOSO - sila ang numero unong nakakaalam ng mga nangyayare sa ating baranggay. hindi lang sa mga pagpapalakad ng ating baranggay , kundi pati na sa mga personal na buhay. simpleng mga mamamayan sila kung iisipin pero para silang detective , kaya nilang usisain ang iyong personal na buhay.
LASINGGERO/LASINGGERA - mga taong walang magawa sa buhay kung hindi uminom. sila din ang nagsisimula ng away sa isang baranggay o sa isang lugar dahil sa kanilang aking lakas ng loob na galing sa espiritu ng alak. sinasabi din na ang mga taong ito ang mga perwisyo sa kanilang pamamahay dahil wala na silang inatupag kung hindi ang uminom ng alak.
TAONG BAHAY - ang mga taong ito ay ang mga taong hindi laging pala labas. laging nasa bahay kaya paminsan hindi sila nakikilala ng mga tao sa paligid nila. masasabi kong masarap magkaron ng mga kapitbahay na ganeto dahil ang gusto lang nila ay maging tahimik ang kanilang pamumuhay.
TAMBAY - sila ang taong laging nasa LABAS. sila din ang numero unong nagsisimula ng kababalaghan sa ating baranggay o lugar dahil sa ibat ibang "activity" na ginagawa nila. karamihan sa mga tambay ay yung mga taong hindi nakapagtapos ng pagaaral o huminto sa pagaaral, pero hindi lahat ng mga tumatambay ay lubos na masama. paminsan naiisipan lng ng mga tao na tumambay sa labas dahil sa wala silang magawa sa kanilang pamamahay.
SUGAROL - ang mga taong ito ay yung mga taong laging nagtatapon ng pera. nagiging bisyo na ito ng nakararami dahil paminsan nananalo sila , pero ang hindi nila alam pinapaikot lang sila ng mga tao na nagpapasugal para hindi sila tumigil. karaniwan nakikita ang mga taong ito kapag may patay, dahil pag may patay may sakla.
SIGA - ang mga taong ito ay yung mga taong naghahari harian sa lugar nila, pero sa totoo kaya sila ngmamatapang dahil takot sila na mapagtripan kaya inuunahan na nila ang mga taong malakas mag trip. karaniwan mong makikita ang mga taong ito sa mga iskwater.
ilan lang yan sa mga taong nahahalubilo natin sa araw araw natin pamumuhay. PERO sa tingin nyo , nkakabuti ba ang mga taong ito? siguro konti lang , pero karamihan sakanila ay masasamang impluwensya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento