Hello buddies! Ito nanaman ako, nagbabalik para magkwento tungkol sa mga nangyari sa akin. Ito na, simulan na.
Alam mo yung feeling na pagod pero masaya? Ako, alam ko, (ako na may feeling). Hay! ang saya talaga di ako makaget-over, grabe ang experience na iyon. Teka, hindi ko papala nasasabi iyong experience na iyon. Last Sunday, matagumpay na naidaos ang 2nd year anniversary ng GIGS.
GIGS: POWER UP! Ayan ang theme namin. Bakit nga ba POWER? Ito meaning nyan:
P = pray
O = obey
W = worship
E = evangelize
R = read
Ang saya talaga, ang sarap tumambling, ang daming kabataan ang dumalo mula sa iba’t – ibang school at universities. Iba talaga ang pagkilos ni GOD.
Imagine, almost five months na preparation din iyon. pero masaya talaga. makikita mo ang effort ng bawat isa. Halimbawa na lang yung gabing pag-uwi, practice ng mga kakantahin, edit at paggawa ng programs at iba pa. Kahit pagod ka na, sige tuloy pa din sa paggawa. Hay nako, hindi ko inakala na matatapos namin iyon, tama nga ang kasabihan na “teamwork divides effort but multiplies it success.” O di ba, ansaaaaaaaveeeeeh? =)
Thank You LORD! Iba talaga ang powers mo. O sige na mga buddies, sa susunod na ulit ang kwento. Tulog tulog din!
Keziah’09 – signing off
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento