Oras kasama ang aking mga kaibigan
Parang kami ay mga baliw sa katuwaan
Pero ganun paman akoy nagpapasalamat
Dahil akoy tinanggap at hindi tinuring na kalat
Pag kami ay magkakasama
Parang walang bukas kung makatawa
Tawa ng isa, tawa ng lahat
Ganyan ang magkaibigan tunay at tapat
Pag tapos ng klase, pupunta sa bahay ng isa
Habang naglalakad, nagkukwentuhan pa
Pagod man sa paglalakad ang aming mga paa
Sulit naman dahil tawa ng tawa
Pag dating sa bahay nila, ang mga gamit ay nakakalat sa sala
Magrereklamo na mga gutom na, nagtitinginan! Alam na!
Alam na ang lulutuin, hindi na kailangan ng sugesyon
Dahil ang paborito ng lahat ang “pancit canton”
Pag tapos ng kainan
Parang may bagyo na dumaan
Naubos ang lahat ng kanin sa hapagkainan
At magtuturuan kung sino ang maghuhugas ng pinggan
Magkakasama manuod ng palabas na nakakatakot
Pero kinakabahan at ang sigaw ay saan abot
Dahil sa takot at gulat
Pero pag may napalakas ng sigaw, tawa na ang lahat
Pag nagkamali ka ng konti
Tawa ng maikli
Pero di mo alam, nasa gm kana pala
Walang ibang naka sulat konti bara
Sa FB kami ay may grupo na binuo
M.E.E.N.S. ang pangalan nito
Lahat ay tatawa pagbinuksan ito
Dahil nakakatawang post ang labanan dito
Pero sa kabila ng lahat ng tawanan
May mga nangyayare ding kalungkutan
Dahil minsan sa pagdududahan
Na mga nagawang lihiman
May mga oras na nagkakatampuhan
Dahil sa mga damdaming nasasaktan
Minsan hindi ko alam ang dahilan
Pero ito palay sa masasakit na biruan
Para sa aking mga kaibigan
Lagi ninyong tatandaan
Na kahit hindi na tayo magkaklase, nandito ako para kayoy tulungan
Sa oras ng inyong pangangailangan, ngayon at magpakailan man
Ang ating masasayang tawanan
Ay hindi mapantayan ng kung anu pa man
Isa yan sa mga bagay na hindi ko makakalimutan
At itoy nakatatak na aking puso’t isipan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento