Mga Pahina

Martes, Setyembre 6, 2011

Para sa Aking Ina ni Ma. Diana D. Carbon


(Para kay mama, Dorotea Carbon. Maraming Salamat sa lahat)
Aking pinakamamahal na ina,
Binigyan mo ako ng buhay.
Nang ako’y sanggol pa lamang,
Inaruga na ng may pagmamahal.
....
Madalas kitang nakikitang nahihirapan,
Lungkot at sakit ang iyong nadarama.
Ngunit ang tanging nagawa ko lamang
Dagdagan lahat ng iyong mga problema.
....
Maraming beses na kitang sinaktan at pinaiyak,
Ngunit naririyan ka, pilit inaabot ang aking kamay.
Sinagip mo ako, mula sa taong mapanghamak,
Upang buhay ko'y di mapariwara.
....
Kaya ngayon, aking ina,
Ang mga salitang iyong inaasam asam.
Malimit ko mang sambitin at ipahayag,
Mahal kitang lubos, puso’t kaluluwa.
....
Aking ina, ako’y ipagpatawad
Mga kasalanan aking nagawa.
Puso’t kaluluwa sa iyo iaalay.
Wag mo lamang ako pababayaan.
....
Salamat aking pinakamamahal na ina,
Sapagkat ikaw ang aking tanglaw.
Utang ko sa iyo ang lahat.
Mamahalin kita magpakailan pa man.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento