Mga Pahina

Martes, Setyembre 6, 2011

Ang Paborito kong word ay “Dismiss ni JERIC MABAO



Hayy! Isa na namang nakakatamad na araw sa kabanata ng aking buhay.papasok ako na may dala na sama ng loog kasi pinagalitan ba naman ako dahil may inuutos sa akin na hindi ko nagawa.pero hindi ko masyadong pinapansin kasi manhid na ang aking tenga sa kakaputak ng aking nanay o parang sanay na rin ako.

Dagdag pa ng aking sama ng loob yung aking sinasakyan papunta sa aking eskwelehan kasi kadalasan may mga ogag na Trycicle Driver na ibababa ka ba naman sa gitna ng kalsada.at minsan naman parang sinasadyang walang dumadaan ng bus at yung mga pangyayaring ganyan ay nagreresulta sa pagkahuli ko sa aking klase at minsan napagtitripan pa ako ng aking prof..

Pero ok lang un dahil napapawi naman ang aking galet pagnagkakasama-sama kami ng aking mga kaibigan.pero hindi pa kumpleto ang aming kasiyahan hanggat di sinasabe ang salitang DISMISS kasi pag dismiss na magsisimula ng magkakayayaan mag DOTA. At pag kami ay naglalaro na dito na magsisimula ang tunay na kasjyahan.kaya ang paborito kong word ay DISMISS sabihin mo na plz..

2 komento: