Marami sa mga tao ngayon ang palaging Stress. Stress sa trabaho, stress sa pamilya, stress sa gastusin sa buhay at stress sa pag-aaral. Lahat tayo naiistress sa buhay, kaya minsan may nangyayari sa ating katawan na hindi natin maintindihan. Isa na dito ang pagiging matanda ng mukha na akala mo ang edad ay denoble. Kasama na rin ang pagkakaroon ng sakit. Pero may mga paraan naman kung paano maiiwasan ang stress sa buhay.
Ito ang ilan sa mga pwedeng gawin para maiawasan ang stress. Una kumpletuhin ang 8 hangggang 10 oras na tulog at iwasang magpuyat. Pangalawa mag-exercise kahit 3 beses sa isang linggo upang mapanatili ang daloy ng dugo at ng mabuhay ang mga ugat na natutulog sa katawan. Pangatlo kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit. Pang-apat ugaliing tumawa at huwag masyadong isipin ang problema sa buhay at iwasang dalhin sa ibang lugar at huwag ipakita sa iba.
Hindi lang ito ang paraan upang maiwasan ang stress depende pa rin sa tao kung paano niya ihahandle ang kanyang problema sa pamamagitan ng kanyang sarili at sa mga gawaing nakagawian niya sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento