Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 2, 2011

Ang Apat na "P" by Jose Alfonso Payad

Unang Letra P ... Pera. Mahalaga ang pera. Masarap ang pera. Ang pera ay kailangan natin sa ating buhay. Mabubuhay ba tayo kung wala pera?

Ikalawang letrang P ... Power, na ibig sabihi'y kapangyarihan. Ito ay taglay ng mga tao na naluluklok sa katubgkulan at nagkakaroon ng kapangyarihan. Nang magkaroon ng kapangyarihan ay nakalimutang sila ay mga lingkod ng bayan or servant leader

Ikatlong letrang P ... Pride. Ang kahulugan ng pride ay kayabangan. Kapalaluan. Kataasan. Nang matuntong sa kalabaw ay parang gusto pang sabihing malaki pa siya sa kalabaw. Kasi nga'y mayabang.  Ang gusto'y laging siya ang bida. Huwag mo siyang yayabangan at magagakit sa iyo, dahil ang gusto niya'y siya ang pinakamayabang!

Ang ikaapat na letrang P ...Pleasure, ibig sabihi'y mga kaaliwan sa buhay ... ' yun bang puro pagpapasaarap ...  puro kunswelo at luho ng katawan. 

Maraming pera. Mayaman!

Makapangyarihan! Sikat sa lipunan! Boss!

Kumpleto sa Pride, dahil mayaman nga at makapangyarihan. Sagana sa kayabangan at kataasan!

At lalong kumpleto sa mga sarap at luho ng buhay!

Iyon ang apat na P na kung hindi napag-ingatan, at kung hindi gagamitin nang wasto ay maaring magpahamak sa ating kaluluwa.

Ano nga ba ang mapapala natin, mapasaatin man ang kayamanan ng mundo, kung mapapahamak naman ang 
ating kaluluwa?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento