Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

In-love ka ba? ni Arlene Alim





Paano mo ba malalaman kung in-love ka? Ano ang mga sintomas nito?  Halika alamin natin :))

*Tignan ka lang nya, natutunaw na kagad ang puso mo.
*Magtext lang siya kumpleto na araw mo, kahit gm nya lang ‘yon.
*Malayo pa lang, alam mong sya na yun. Kaya hayan todo ayos ka na baka mapansin ka.
*Paulit-ulit mong binabasa ang mga text nya.
*Iniisip mo pa lang siya, halos sasabog na ang puso mo.
*Kahit na napakaingay mo, tumatahimik ka kapag nandyan sya.
*Palagi ka ng nag-aayos
*Palagi ka na din nakikinig ng mga Love Songs.
*Kinakaibigan mo na din ang mga kaibigan nya.
*Kahit makita mo na ang mga pangit sa kanya, dedma lang. Keber ba? In love ka eh. Hahaha! :D
*Kapag kasama mo siya parang gusto mong tumigil ang oras.
*Kapag inaasar ka sa kanya ng mga kaibigan mo todo tanggi ka pero sa kaibuturan ng puso mo mangingisay ka na sa sobrang kilig.
*Palagi mong tinitignan ang Facebook niya.
*Kung may number ka nya gustong-gusto mong itext kaso nahihiya ka.
*Kunyare gm, pero sa kanya mo lang naman sinesend.
*Nagtatanong ka ng kung anu-ano tungkol sa kanya.
*Matutulog na nga lang 'sya pa din ang iniisip mo.
*Sa lahat na halos ng santo nagdasal ka para mapansin o maitext ka man lang 'nya.
*At higit sa lahat……… Habang binabasa mo ‘to, iniisip mo siya. Hahaha!



O, ano INLOVE ka ba?

2 komento: