Mga Pahina

Martes, Setyembre 6, 2011

Anghel ni Jaztine Cayabyab


Kung ang buhay ay may umpisa
Kung gayon ito rin ay may hanggan
At ito ay ang malayo sa iyo,
Pinakamamahal ko
Ito’y magdudulot ng walang hanggang pagluha
Sapagkat napakasakit ang mawala ka

Nalulungkot ako habang iniisip kita ngunit
Biglang sumagi sa ‘king isip kung nasaan ka nga ba,
Ito’y sa tahimik at mapayapang lugar
Kasama ng Poong Maykapal

At ngayong alam ko na,
Na nandiyan ka upang sumuporta
Hindi ko na kailangan malungkot pa
Sapagkat alam kong makakasama pa kita


Hindi ko malilimutan ang ating samahan
 Kabutihan, aruga at pagmamahal na iyong pinaramdam
Nalulungkot ako habang sinusulat ko ito
Ngunit maghihintay ako
Hanggang sumapit ang tamang panahon
Na makita kang muli at gugulin ang habang buhay sa piling mo lagi  


Ngayong nalaman kong napakaikli lang pala ng panahon
 Napakaswerte ko
Sapagkat nakatagpo ako ng tulad mo
Wala ng hihigit pa sayo
Anghel ko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento