Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 2, 2011

kaibahan at gusto ng mga pinoy... by honey shane osuyos :)

Minsan ang mga tao ay may kakaiba, natatangi, at kahangahangang gusto, pero meron din naman kung ano ang gusto ng isa, gusto din ng isa. Pero tayong mga Pinoy ay may mga bagay na minsan ay gusto natin at minsan naman ay hindi… Narito ang mga konting sitwasyon na kadalasang inirereklamo at ginagawa ng mga pinoy…

Pag mainit gusto malamig
Pag malamig gusto mainit
Pag mataas gusto magpakababa
Pag mababa gusto magpakataas
Pag mataba gusto magpapayat
Pag payat gusto magpataba
Pag umuulan gusto umiinit
Pag mainit gusto umuulan
Pag itim gusto magpaputi
Pag maputi gusto mag paitim
Pag lalaki gusto magpakababae
Pag babae gusto magpakalalaki
Pag tahimik gusto mag ingay
Pag maingay gusto tahimik
Pag nakatayo gusto nakaupo
Pag nakaupo gusto nakatayo
Pag pawisan gusto magpatuyo
Pag tuyo gusto magpapawis
Pag mahaba buhok gusto magpagupit para umikli
Pag maikli buhok gusto magpa extension para humaba
Pag straight ang buhok gusto gusto magpakulot
Pag kulot gusto magpa straight
Pag may trabaho gusto wala
Pag walang trabaho gusto gusto meron
Pag nandyan ang magulang gusto wala
Pag wala ang magulang gusto nandyan
Pag may klase gusto walang pasok
Pag may walang pasok gusto may klase
Pag gusto mo gusto iba
Pag hindi mo gusto, gusto ka
Pag nag karoon gusto wala
Pag di nagkaroon nananalangin magkaroon na



Ilan lang yan sa mga magulong gusto nating mga Pinoy!
Oh siya! Lalabas na kami nang classroom ang lamig kasi, kaya lang naman kami pumasok kasi ang init sa labas! Magulo ba? Hayaan mo na!
Ikaw saan jan ang gusto mo?? :))))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento