“Thank you Ma at Pa sa mga magaganda at mabubuting bagay na ginawa niyo sa akin at sa mga pangaral niyong tumatak sa aking puso’t isipan. Sa pagpapa-aral niyo sa’kin, ang walang sawang pagbibigay ng allowance at tuition.”
“Thank you sa mga classmate ko since elementary hanggang high school. Sana hindi kayo magbago maging katulad pa rin kayo ng dati. Sama-sama tayong aabutin ang ating mga pangarap. Sa mga kalokohang hindi maawat kahit mapa office ok lang basta nagkasama-sama at nasuportahan ang i’sat-isa. Sa pagkokopyahang hindi maiiwasan, tigilan na.”
“Thank you sa mga teacher ko ng elementary at high school. Sa pag-unawa, sa pagsesermon, sa pagbibigay ng grade na mababa at mataas, sa pagbebenta ngkung anu-ano, sa pagkilala sa natatago kong galing, sa pag-intindi at sa marami pang bagay na mabubuti.”
“Thank you sa tito at tita ko na nagpapatira sa akin sa kanilang tahanan. Kung hindi dahil sa kanila wala na ako ngayon dito sa UE Caloocan. Sa pagtutuwid niyo ng mga pagkakamali kong nagagawa. Masaya akong maging parte ng bahay niyo kasama ang makukulit ninyong mga anak.”
“Thank you sa mga classmate ko ngayon at sa mga classmate ko dati dito sa UE Caloocan. Kung di dahil sa inyo hindi ako tatagal dito. Sa pagtiyatiyagang pagtuturo sa mga hindi klarong lecture, pagturo at pagpapakopya ng program, sa mga reports. Sa mga time na bondingan ng bawat grupo, sa masasayang kainan ng sabay-sabay, sa panonood ng UAAP na hindi naman nananalo ang player n UE. Pag-attend ng seminar pagkatapos ay diretso sa mall.”
“Thank you sa mga professor ko ngayon at sa mga nakaraan pa. Sa walang sawang pagtuturo ng lesson kahit minsan ay pasaway at maiingay kami. Sa pagpoporsige na matuto ang kanyang estudyante sa paraang kaya niya at sa paraang maiintindihan siya nito sa itinuturo niya. Sa mga professor na walang ginawa kungdi iatas sa estudyante lahat thank you na rin.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento