Sabi nila high school daw ang pinaka-masayang part sa pagiging estudyante. Nandoon na daw kasi ang kalokohan, mga plastic at tunay na kaibigan at syempre ang mga crush na nagiging love mo na.
Hay nako, may naalala tuloy ako, si crushie! =| Sino nga ba iyon?
Ahead siya sa akin ng 1 year. Matalino siya pero di kagwapuhan. Ang pinagtataka ko lang bakit ang daming may crush sa kanya? Haha, kasama pala ako doon. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya, pambato ng school sa mga competitions, grumaduate na valedictorian at ngayon scholar pa. natatandaan ko pa noon, magkaaway kami, halos hindi magkasundo pero nung mag-college na din ako, whew! Nag-iba ang ihip ng hangin. Close na kami kaya ayon, bumalik ulit yung pagtingin ko sa kanya. Ang bait kasi e, friend mo na, tutor pa, ‘san ka pa di ba? Huwag nga lang susumpunign ng kasungitan! Isa din siya sa mga nagging dahilan kung bakit Masaya ang buhay freshmen ko.
Matapos ang ilang buwang bakasyon,…
Hindi ko alam kung bakit ako naging ganoon sa kanya. Wala naman siyang ginagawa na kinagalit ko o kinaasar ko ng todo. Bigla ko na lang naisip na umiwas na sa kanya,ako na bitter. baka kasi, matuluyan akong mahulog sa kanya. Kaya maganda na din ito, mahirap kasi e. Friends pa din kami, di nga lang tulad ng dati.
Layunin: malikhain
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento