Mga Pahina

Huwebes, Setyembre 1, 2011

DI LAAN PARA SA DALAWA ni Jhammile Almeida


Pag-ibig ang sadyang bumubuo.
Ang ating pagkatao'y kinukumpleto.
Ito'y hindi isang biro,
Kahit na may mga taong sadyang mapagbiro.

Hindi man sadya na ang isa'y masaktan,
Ngunit talagang mapagbiro yaring kapalaran.
Hindi malaman kung sino ang dapat
Piliin sa dalawang pusong uhaw sa pag-ibig kong tapat.

Isip ko'y nagugulumihanan,
Puso ko'y nasasaktan,
Ayaw makasakit at ang isang puso ay gawing sugatan.
Tanging paraan ay tanggapin ang katotohanan.

Puso'y litong lito, natatakot pumili sa kanilang dalawa,
Ngunit darating ang panahong kailangan ng magpasya,
Piliin ang nararapat at mahalin ng sobra,
At isiping puso'y di laan para sa dalawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento