Mga Pahina

Linggo, Setyembre 4, 2011

Eyeball ni Frances Baroña

Nahilig si Mileen na may kagandahan sa "instant messaging o sa pagcha-chat". Ang ilan sa mahahalagang impormasyon at litrato niya ay nakatala doon ngunit ang mga kaibigan niya lamang ang makakakita nito. Lahat ng nakikilala niya dito ay mababait at mapagkakatiwalaan dahil palagi siyang binibigyan ng magagandang payo at minsan pa ay nagbibigay ng regalo kahit walang okasyon.
Isang araw may isang "contact" na gusto silang "i-add" na nagngangalang Edwin. Hindi siya nagdalawang isip na "i-accept" ito dahil sa mukhang disente ang litrato at nakita niyang marami silang magkaparehong kaibigan.
Naging mabuting magkaibigan silang dalawa hanggang sa gusto ni edwin na "makipag-eyeball" kay Mileen. Muli, di siya nagdalawang isip at pumayag na makipagkita. Tuwang-tuwa siya sa pangyayaring ito ngunit ang mga magulang niya ay di pumayag dahil alam nilang delikado ito.
Ngunit sumuway siya sa kanyang mga magulang at pumunta pa rin sa ka-eyeball na si Edwin. Ang kitaan nila ay sa isang restaurant na isang sakay ng dyip lamang ang layo at sa ganap na oras ng alas-siete.
Pagkatapos ng isang oras na pag-uusap at kainan sa restaurant biglang inaya ni Edwin si Mileen na pumunta sa isa pang lugar na ikatutuwa niya daw. Tumanggi na si Mileen ngunit pinilit siya at sa huli ay pumayag din.
Nagtaka si Mileen dahil pumunta sila sa lumang gusali na tagung lugar. Nagtanung na siya kung nasaan sila at sinabi lang ni Edwin "Siguradong matutuwa ka!".
Biglang tinali si Mileen sa poste ng kahoy at nagsulputan ang maraming kalalakihan na nagpakilalang isang gang na nambibiktima ng kababaihan. Nataranta si Mileen. Nagpumiglas siya at nang dahil doon biglang nasira ang poste sa kalumaan.
Tumakbo si Mileen hangga't makakaya niya...
Hanggang sa may nagpaputok ng baril.

Kinabukasan, natagpuan ng mga pulis ang bangkay ni Mileen. Nang makita ito ng kanyang mga magulang, iyak na lamang ang narinig sa kapaligiran. Sa kaloob-looban ng mga magulang ay may pagsisi at pagkukulang silang naramdaman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento