Mga Pahina

Martes, Setyembre 6, 2011

MUSIKA ni Angelo Cruz

ako'y musmos pa lamang,
Ikaw ay unang napakinggan.
Ngayong ako'y nagka isip na,
Ikaw ay minahal at laging hinahanap-hanap.
Nung ako'y natutong magmahal,
Nandyan ka upang bigyan ng tono at diin
Ang aking pagmamahal.
Nung ako'y nasaktan,
Bawat linya mo'y tagos sa aking nararamdaman.

Nagsilbi kang isang libangan.
Nagsilbi kang isang kaibigan.

O musika, kay sarap mong pakinggan.
Sa hirap man o sa ginhawa,
Ikaw ay nandyan upang mapakinggan.
Lumipas man ang panahon,
Hanggang sa aking kamatayan,
Ikaw ay mananatili
Sa aking puso at isipan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento