Kahapon nag cha-chat kami ng aking pinakamamahal na boyfriend ng biglang syang magtanong sa akin:
mahal ko: bobs (short 4 baboy,hehhee), wala ka bang naalala ngayon?
mahal ko: bobs (short 4 baboy,hehhee), wala ka bang naalala ngayon?
Ako: Wala bakit?
mahal ko: Hindi nga bobs wala ka bang naalala
Ako: Wala ano ba yun?
mahal ko: Isipin mo, bobs!
Ako: Uhmmm, birthday mo ba? Teka di ba September pa yun?
Mahal ko: Ano ka ba? Hindi!
Ako: Eh wag mo na akong pahirapan, sige sirit na!
mahal ko: Ano ka ba magtatampo na ako sayo!
Ako: Sori bobs, di ko talaga alam!
mahal ko: Nakalimutan mo bang monthsary natin ngayon?
Ako: Ha?Ano tayo “Highschool”!Hahaha! Jologs naman noon
mahal ko: Ganun!!!!!
After noon hindi na siya nagreply, alam ko galit yun kasi di ko na nga binati eh pinagtawanan ko pa!Pero naman hanggang ngayon di ko maisip kung bakit may monthsary-monthsary pa! Eh ni ulitimo dictionary eh na lilito kung saan nakuha yang salitang yan. Saka sige kung highschool pa kami cute pa, pero aba medyo matatanda na kami para sa ganyan! Parang kajologsan ata yun (Hahaha, eh yung “bobs” hindi ba jologs??)
Saka sa tagal na namin at alam naman nya na hindi ako nambabati ng monthsary. Ngayon pa sya nagdemand!hehhehe! Kasi nga hindi ko makita yung punto, dahil ba para mayroong i-celebrate kada buwan. Hindi sa kuripot ako kaya ayaw ko nyan pero sa akin lang pwede namang kahit anong petsa o araw, hindi ba?Pwede ring araw-araw!Hehehe!
Hindi magandang binibilang para sa akin ang buwan, kasi mas mahalaga sa akin ang pagbilang ng taon. Ang pagbibilang ng buwan kung gaano kayo katagal ay parang pagbibigay ng taning sa relasyon nyo! Mas magandang asamin ang “anniversary” kesa monthsary. Saka mas meaningful kung minsan sa isang taon lang ito ise-celebrate, parang pasko o kaya birthday kesa magasgas ito kasi buwan-buwan, minsan tuloy nawawalan ng saysay at tila parang obligasyon na lang ito.
Eh ito’y sa akin lamang!Syempre iba yung sa inyo tungkol sa monthsary na yan! Alam kong marami sa inyo ang hindi sasang-ayon sa akin. Pero ganun talaga iba ang tae ko sa tae mo!
Pero ang mas hindi ko kinaya at bumaligtad ang sikmura ko nung nagcomment yung kaibigan ko sa bago nyang GF ng “ PANGGA,HAPPY WEEKSARY!!!!” Patay tayo sa yo tangenge…pati yung DAYSARY, HOURSARY, MINUTESARYat pinaka matindi sa lahat ay ang SECONDSARY…..tae…Wala na ayoko ko na talaga!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento